PAST BLOGS

12/31/2005

Tickle me feather!

Isang dream-fantasy sequence

Alwina sa mga sirena:


Mga kasama, SUGPUIN!!!!


Pagkalipas ng ilang sandali.
Ang mga sirena, naging sugpo!


Wahaha!-corny.
*******************************
Ang katangi-tanging pelikulang rated A ng MTRCB-
Rated Aaaaaaahhhh!!!!!!!!!!!!!! Ahahahaha!!!
(Peace Out mga birds; baka tirahin niyo ako bigla ng bird-flu)
*******************************
Para sa Kalayaan!!!!! -sigaw ng mga nasa Pugad-Lawin
Para sa Kapayapaan!!!- sigaw ng mga Mulawin

Siguro kung may mga pakpak ang mga katipunero, baka naipanalo nila ang rebolusyon.
=)
*******************************
Mga bagay na lumilipad sa aking utak matapos kong itarak ang ugatpak sa aking gulugod.

    Bakit talon ng talon si Alwina kapag nakikipaglaban? (mukha tuloy siyang manok, o sige, chick.)

    Bakit ang haba ng patilya ni Aguiluz?

    Bakit parang walang pinagkaiba yung movie sa tv?

    Ano’ng silbi ng palong ni Alwina?

    May pagawaan ba ng mga gintong binhi ang mga diwata?

    Bakit hindi nasisira ang mga damit nila kapag nagkaka-pakpak sila?

    Eto narinig ko mula sa mga batang katabi ko:
    Kung si Alwina ng tanging buhya ni Aguiluz, e di bakit siya namatay?

    Ano kaya kung mga lalaking Mulawin naman ang nangingitlog?

    Bakit nung namatay si Dakila, hind ina nila pinakain ng gintong binhi?

    Nakapag-research ba ang crew sa tamang paglipad ng mga ibon?

    Yung ginawa ba ni Aguiluz ay gawain ng isang dakilang anak?

    Bakit kakaunti lang ang mga nakidigma?

    bakit may dragon na naman? Hindi kaya yun yung dragon sa enteng kabisote?

    Sabi ni Amihan, sa simula pa lang ay may digmaan na-
    Labanan ng masama at mabuti, ng liwanag sa dilim.
    E ano nga ang masama at mabuti?

    Si Bob Ong kasi eh, pati tuloy ako napa-isip,
    Pano nga mada-digest ng mananananggal yung kinain niyang biktima kung yung digestive sytem niya nasa kalahating hiwa ng kanyang katawan?


Ahh!
Nag-uumaga na! Nawawala na ang bisa ng aking ugatpak!
Inalis ko ang ugatpak sa aking gulugod.
Nawala ang masamang panaginip.

2 comments:

jeeper said...

sabi nga nila, panget ang Mulawin... di ko naman nagustuhan yung series kaya wala akong balak panuorin.

melai said...

waheheheh!! bute na lang wala ako sa pinas kundi napanood ko ... at tyak papoproblemahin mo pa ko ng mga tanong mo lol!!!! .....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...