PAST BLOGS

12/30/2005

Paputok ni Hudas

Baranggay Tanod sa Kampo Aguinaldo:
    Mga ka-baranggay, Paalala. Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagpapaputok ng baril at kahit anumang pyrotechnic material ngayong sasapit na bagong taon.


Pagkalagpas na pagkalagpas ng announcer,

    Pok.Pok.Plak.Plak.Ka-BOOM!
    Ano daw yung announcement?



**************************************************

Kanina lang napanood ko sa TV ang isang napaka-wais na ginawa ng mga pulis-Bulacan para sa iwas-disgrasya-sa-paputok-program-taon-taon ng gobyerno.

Para daw di na mapakinabangang muli ang mga nakumpiskang paputok, kailangan daw itong basain.
At ayun, itinapon nila ang mga paputok sa isang creek.
(btw, nakabalot pa yung ilang mga paputok nang itapon nila.)

***************************************************

Bakit mo ba ako pinipigilang kumain ng tsokolate?
Ikaw nga walang kawawaan sa paninigarilyo kahit na bumibigat na ang mga baga namin sa plema.

Anong diabetes ka diyan?
Ngayon lang nga ako ulit kakain ng tsokolateng padala ng tita, na mabibili mo rin sa tindahan sa cubao.
Ikaw nga, nakakalimang litrong coke sa isang araw.

**************************************************

Bading ka ba?
E ba’t idol mo si Paris Hilton?
Bakit puro Paris Hilton ang kuwarto mo?

Ha? Idol ko siya. Actually silang magkapatid.
Gusto kong yumaman.

1 comment:

kingdaddyrich said...

nalilito nalilito nalilito nalilito

isa ka bang pare o mare?

wahhh... ikaw ba yung naka posing dito sa gilid...

sana wala na lang kumot...

hahahaha!!!!

di ko pa nararanasang magbulitas...

di pa rin ako nakakakita nun..

pero siguro ang pleasure nang pagbubulitas ay tuload din ng pleasure ng pagbisita dito...

napanuod ko yung news ukol sa paputok na binasa....

ang galing!!

maligayang putukan sa iyo!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...