Wala naman pala talagang masyadong pinagkaiba ang pakiramdam sa mga lugar dito sa Pilipinas.
Ang ulan sa Ilocos ay tulad din ng ulan sa Cubao.
Ang init ng panahon sa Laoag ay para ding init ng panahon sa Laguna.
Ang paglalakad sa Vigan ay para ding paglalakad sa Luneta.
Isa lang yan sa mga bagay na natutunan ko sa aming Ilocos Christmas trip.
Eto pa ang ilan:
- Astig magpasko sa taas ng bundok
- Kahit gaano pa kahaba ang biyahe, (10++ oras papuntang Ilocos) makakarating at makakarating ka pa rin sa paroroonan.
- Masarap tumaba sa gulay at kambing. Puro gulay kasi ang ulam namin nung bakasyon.
- Walang kasing sarap ang kamatis at mga gulay na pinipitas lang sa bakuran ng bahay.
- Matamis din pala ang mga puting suha na napipitas lang sa tabing-bahay ng pinuntahan namin.
- Walang pinagkaiba ang paskong tinapay at coke lang ang noche Buena at noche buenang fiesta sa pagkain; ang mahalaga, masaya kayo.
- Masarap ang empanada at Miki sa Batac.
- Naging Ms Fort Ilocandia pala si Francine Prieto.
- Walang pinapatos ang dagat. Pati t-shirt ko noong nag-beach kami tinangay niya.
- Ayoko ng pinipilit akong mag-picture ng mga bagay na ayaw ko. (E pano, yung tatay ko, kung ano-ano ang pinapapichuran sa’kin.)
- Hindi masayang mag-pose sa gitna ng intersection sa Vigan. Hindi. Hinding-hindi.
- Gusto kong magka-bahay sa isa sa mga bayan sa Ilocos. Siguro sa Vigan o kaya sa Laoag. Astig dun. May malapit ka na sa beach, malapit ka pa sa bundok.
***************************************
Digress.
Napansin kong nahihilig ako sa lists lately. Well, mas madali silang gawin kaysa paragraphs.
****************************************
Ang bilis talaga ng oras.pasukan na naman. wala pa ako sa acad mode. kumusta naman ako. wala pa akong storyline para sa playwriting class ko.
****************************************
Hapiniuyirsamgataosamundo!=P
stilw8n4a*2fol
4 comments:
Parang masarap nga dyan... gusto ko pumunta sa probinsya minsan.
Sabi nga nila napakaganda sa Ilocos.
nakakapago lang magpunta jan lalo na kung siksikan kayo sa owner type jeepney .... pero masaya pag stop over ,,kainan to the max kahit di mo alam kinakain mo sa gilid ng highway!! nakatikim ka ba ng mani ng ilocos?? the best yun sana tinikman mo lol!! salamat sa pagdaan sa bahay ko cge xchange link twice mo na sinabi yan makakalimutin ka ata lol!!! pag di mo pa ko nilink wala ka ng silbi!!! wahehehehee joke joke joke!!
paris hilton? eh d nanunuod ka ng the simplelife.... potek astigin yun...
grabe nahuhumaling ren ako kay mama paris...
hehehe....
gusto kong mag beach!!!
meron din pagkakaiba...sa probinsiya, malinis pa ang hanging malalanghap mo kumpara sa siyudad.
Post a Comment