PAST BLOGS

9/07/2005

icings and icebags 2

nakakaainis talaga kapag may mga katrabaho kang mukhang di nag-iisip.

kung bakit ba naman kasi hindi sila nagbubukas ng diksyunaryo, di tuloy nila alam ang salitang INITIATIVE.


****

bakit ba naman kasi ang pasaway ng katawan?

lagi na lang silang di nagtutugma ng isip at diwa.

aktibong-aktibo pa ang isip ko sa pag-iisip.

kaya kong hindi matulog.

kaya kong magkuwento ng magdamag.

kaya ko, basta alam ng isip ko at alam ng diwa kong kaya ko pang gawin ang dapat kong gawin, ngunit sadyang walang pakisama ang katawan.

nagmamadali kang maglakad, may hinahabol na appointment, nang bigla niyang palalambutin ang mga kalamnan mo.

di pa siya makukuntento, panginginigin niya pa ang katawan mo mula paa pataas ng ulo, tapos , paiinitin ka niya hanggang hindi ka na makagalaw. asar.



sabi ng isang kaibigan, "baka naman hindi talaga pasaway ang katawa mo, hindi mo lang talaga siya pinakikinggan.

marahil naging makasarili lang kaming masyado ng aking utak at diwa.

*****

nauubusan na ako ng hangin. lahat ng kinain ko tila bumubulusok pataas ng aking lalamunan. yung mata ko pilit sinasakal ng mga malagkit na contact lenses. yung mga ugat sa ulo ko tibok ng tibok. yung ulo ko pintig ng pintig. hindi dahil sa libog o kung anupaman, kundi dahil sa bumubulwak at umaapaw nitong mga laman.


sa mga pagkakataong ganito, marahil ay wala ng kasing sarap ang pag-untog ng ulo sa isang pader na may nakausling malaking pako.

******

Para kay blythe:

blythe, marahil tama ka. hindi nga maiiwasang mag-isip ng tao, gawain natin yun e, pero may kakayahan din naman ang isip na pumili ng gusto niyang isipin. hindi ko sinasabing kalimutan mo na ang iba mong mga dapat isipin at ibaon silang lahat sa limot, ang sinasabi ko lang, may choice ka pa rin sa lahat ng bagay. hindi ka halimaw para isipin ang dapat mong isipin sa buong buhay mo sa loob ng beinte kuwatro oras.

oo masarap umiyak. ilabas mo lang ang lahat. akala mo di ka na mauubusan ng luha, sige iyak lang, wala namang pumipigil sa'yo eh. pero hinay-hinay lang. nalulunod na ang unan. isa pa, baka paggising mo, di ka na makamulat sa dami ng mutang nakabalot sa 'yong mata.

*******

salamat sa mga taong nakakapansin at nagtatanong kung OK lang ba ko. maraming salamat sa inyong concern. wag kayong mag-alala. ok lang ako. kayang-kaya pa rin ang buhay. minsan lang naman akong magmukhang ngarag.
********

sa mga taong di namamansin at trip lang di mamansin,

wala lang.

happy days to all of you.

*********

eto nga pala yung naisip kong AD para sa ADHERE na symposium ng comartsoc. sayang at di ko naSubmit. Naisip[ ko lang kasi pag-upo ko sa lecture hall. e di sana kung nagkataon kasama na'ko sa isang chippy commercial. =P


2 comments:

Anonymous said...

Wow! Really inspiring blog!

Please check this interesting sites too:

Internet Home Business Tips - Make Money From Home!

dating servic

dating servic blog

Anonymous said...

Foster children - easy to love, hard to lose
Being a foster parent: "isn't it hard?" Well, says veteran foster parent Robin Hosmer, it's easy - and it's hard.
Hello, you have a great blog here! I'm definitely going to bookmark you!

I have a ##Income##site/blog. It pretty much covers ##Online Pharmacy## related stuff.

Come and check this out if you get time :-)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...