PAST BLOGS

9/01/2005

cessation

minsan madalas gugustuhin mo na lang mag-ingay.

kasi kapag tunahimik ka, maririnig ang iyong sarili.

mabibingi ka sa hiyawang nagaganap sa 'yong utak.



madalas, gugustuhin mo na lang na huwag huminto sa kakalakad.

kasi kapag tumigil ka, mararamdaman mo lang ang pagod.

sasakit lang ang iyong paa.

2 comments:

xta said...

kasi kapag tumigil ka sa paglalakad... malalaman ng mga dumadaan na wala ka namang pupuntahan.. at mukhang nakalimutan ka na ng hinihintay mo...

ganyan nangyari sa akin.

ie said...

mas nakakapagod nga ang tumahimik at tumigil, lalo't alam mong marami pang pupuntahan ang mga salita't tapak mo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...