PAST BLOGS

2/24/2005

Periods and Commas through the Labyrinth



Naisip kita. Yun lang. Wala na. Tapos na. Period.


1 Message received.


Hindi ba pwedeng comma na lang para makapag-reply ako?

Matagal din bago bumalik ang mga dugo sa ugat ng mga daliri ko.



Sige. Comma.




1 Message received



Kumusta ka na?

Madami pang kamusta.



Eto. Ayos lang. Buhay pa naman.
Ikaw?

Matagal bago ko ulit narinig ang makulit kong message alert tone.

Eto, kakarating ko lang. Katatapos ko lang maglaslas. Malungkot ako.

Talaga? Saan ang piyesta? Bakit may laslasan ng laman? At kanino mo naman ihahandog ang nalaslas mong laman? haha.


Sent.

Nakalimutan ko na yatang maniwala sa mga sinasabi mo.

Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko sa pabalik-balik kong pagpunta sa iyong hardin. Ang iyong hardin na binuo sa aking mga panaginip.

Pilit kong tinatakasan ang iyong kamandag pero sa kakaikot ko sa hardin mo, bumabalik pa rin ako. Minsan hihinto ako para magpahinga, minsan naman, tiotigil ako dahil wala nang lagusan palabas. Pa'no mo ba 'to ginawa? Isang hardin na sarado pero mistulang walang katapusan ang bawat daraanan.
Nakikipaghabulan ka. Alam kong papatayin mo lang ako.
Ayokong magpahuli sa'yo subalit mapilit ang iyong kapangyarihan.
Ilang araw ko ring paulit-ulit na binabalikan sa aking pagpikit ang iyong hardin.

Nakakatakas lang ako sa tuwing gigising ako.



1 message received



Kumusta ka na? Magbalita ka naman.

Ayos lang.

Sent.

Punta ka dito. Nandito ako malapit sa inyo
.

Walang reply.

Umabot ang dalawang araw na walang reply.

Gandang umaga. Bago ang lahat, gusto kong malaman mo na matagal ko rin bago napilit ang sarili ko na i-text ka.
Sinabi mo gawin kong comma ang period para maka-reply ka, ginawa ko.
Pero anong ginawa mo? ginawa mong semicolon ang comma.
Ayos lang.
Dun ka naman magaling. Sa pagawa ng mga semicolon mula sa colon.
Ayos lang. Huli na talaga to. sige, ingat. Tuldok.

Sent.



I never imagined that running inside the Labyrinth is tiring.




Notice: Fiction

4 comments:

Anonymous said...

awww..
ganda ng entry..
natuwa ako...
at
nakarelate..
tanginang tuldok yan..
waha
[easy lang barbie...]

Anonymous said...

Adik ka na ba sa Eng 101? :D

Anonymous said...

Ay si Ilia pala yun :D

mars said...

bitterness.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...