PAST BLOGS

3/01/2005

Monsignority

Sa hirap ng buhay, makakaisip ka talaga ng mga kakaibang paraan para yumaman. Marami jan ang nagnanakaw na lang, nangingidnap o kaya nanloloko ng kapwa para lang yumaman.


Ako? Hindi ko yun gagawin. Kung sakaling di man ako maging matagumpay sa aking career pagka graduate, magpapari na lang ako. Yep! magpapari ako. Oo. Dahil ang mga pario sa Pilipinas, yumayaman.
Pero siyempre, di lang basta-basta pari. Pagbubutihin ko ang pag-aral ko ng theology para ma-promote ako at maging isang monsignor. Tama. Maging isang monsignor o bishop, at maging director ng isang Catholic school.
Siguro iniisip nyo na wala naman akong mapapala dun, pero meron.
ganito kasi yun, sikreto lang natin to, pag naging Monsignor na ko, syempre wala akong tax, at syempre, wala namang masyadong binabayaran sa community ang isang monsignor ng simbahang katoliko, makakaipon ako ng pera. Hindi naman kasi lahat ng libo-libo, este, milyon-milyong kinikita ng simbahan ay napupuinta talaga sa simbahan. naniniwala ako na may mga papel na lilipad sa aking bulsa at mga baryang kusang gugulong sa aking alkansya.
In due time, yayaman na ako. hahaha! Magkakaron ako ng rancho na tulad ng sa monsignor namin nung high school, magkakaroon ako ng maraming kotse na initials ko lang ang nakalagay, at makakahawak ako ng kamal-kamal na salapi mula sa mga tuition fees ng mga estudyante.

Astig di ba?! Pagkatapos nun, pag nagkaroon na'ko mng maraming pera, sikreto akong mag-aasawa. Mambababae, pwede na rin.
Hay. Tapos, E di malalaman ng simbahan yung mga ginawa ko, siyempre, i-eexcommunicate nila ako sa simbahan, magiging laman ako ng mga pahayagan, magiging sikat ako, makikilala ng marami. Aalingawngaw ang pangalan ko sa maraming bansa, magiging isa akong public figure. Ang kayamanan ko? Well, by that time naman siguro, nakaipon na'ko ng sapat na salapiu sa bangko para yumaman ako. Nakapag-kamal na'ko ng sapat na yaman para mabuhay ng maluho. Higit pa para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.

At least hindi ako nagnakaw. Nakatulong pa nga ako sa simbahan. yumaman pa 'ko.

Tapos nun, magiging santo ako sa aking ginawa.

Huh?!

4 comments:

Anonymous said...

tanginang mga pari yan oh..
[waha.. pasensha na pero may galit ako sa mga yan... hehe]
lolness
*peace*

Anonymous said...

lupet ng ambisyon mo, hehehe. kung saan ka maligaya supurtahan taka!

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

Anyone heard of a pharmacy site called www.1medstore.net? I got great generic Ambien and Phentermine 37.5 mg from them delivered to me in quickly. They ship with Fedex! I used the promo code FIRST and I got $15.00 off my order. I know it is still valid since my friend just ordered...anyone else heard of www.1medstore.net? I really like them! Sarah

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...