PAST BLOGS

2/22/2005

About the UP Budget Cut and the event this coming Thursday


SAAN TAYO PUPULUTIN?




Kung sinsero ang gubyerno para itulak ang bansa sa pag-unlad, dapat ito ay mag-invest sa larangan ng edukasyong kagaya ng mga karatig bayan nito sa Asya. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari, laging napakaliaki ng inilalaan ng ating pambansang budget para sa pagbabayad ng mga utang kaysa sa paglalaan ng budget sa patuloy na pagtaas ng kalidad ng mga mag-aaral lalo na sa pampublikong edukasyon.

Ayon sa datos, nagpanukala nag Dept of Budget and Mgt (DBM) ng P907 B ngayong taon para sa ting pambansang budget. kung ating isasama ang kagayt na kaltas para sa pagbabayad ng prinsipal na utang, aabot ito sa P334.15 B. Ito ay ayon sa PD 1177 na awtomatikong naglalaan ng 10% mg GNP para sa pagbabayad ng utang. Kung isasama ang pagbabayad sa interes ng utang panlabas, magdadagdag p ang gubyerno ng P301.64 B. Makikitang halos 70% ng ating pambansang budget ay kakainin sa pagbabayad lamang ng ating mga utang panlabas.

Malaki ang epekto nito lalo na sa mga pampublikong serbisyo, kasama ang edukasyon. Ngayong taon, P107.5 B ang inilaan para sa primarya at sekundaryang edukasyon. Panukalang bawasan ito ng p4.87 B o mula 107.5 patungong P102.63 para sa taong 2005. Ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad (SCUs o State Colleges and Universities) na kasama ang Up ay nakatanggap lamang ng P15.7 B ngayong taon. Ang budget na ito ay pagakakasyahin ng lagapas 100 SCUs sa buong bansa. Mahalagang banggitin na ang pambansang budget na ito ay hindi nagbago sapagkat hindi na nakagawa pa ang Kamara at Senado dahil sa nalalapit na eleksyong 2004. Ang PUP na may kabuuang enrollees na aabot sa 60,000 ay may budget lamang na P512.89 M samanatalang ang PMA na may 3,000 estudyante lamang ay P586.17 M. Napakalaki ang pabor na ibinibigay nito sa mga military schools ngunit kapos para sa kalakhan ng mga estudyanteng Pilipino.

Matatandaang nitong mga nakalipas na taon, malaki ang ibinagsak ng UP sa talaan ng mga pinakamahuhusay na unibersidad sa buong Asya. Kung atin pang susuriin, malaki ang naging epektong patuloy na pagbabawas ng budget sa UP upang patuloy na paunlarin ang larangan nito bilang isang primier na universit6y sa bansa. Sa bawat kaltas sa budget ay nasasakripsiyo an kalidad ng guro, dagdag na pasilidad at gayundin ang pagpapalwak ng pagkakataon para makapag-aral ang mga kabataang Pilipino sa UP. Nasa antas na ng final reading sa senado ang budget ng UP ngayong Feb 4. Ang proposed budget ng Up ay aabot lamang sa P4.519 B, napakaliit kung ikukumpara sa tunay na pangangailangan ng unibersidad. Pagdating sa DBM, ito ay nakaltasan at umabot lamang sa P4.451 B. Sa kamara ay muling nakaltasan ito at naging P4.162 B. Umabot na sa P357 B ang panukalang kaltas sa budget ng UP. Sa kasaysayn ng UP, ito na marahil ang pinakamalaking kaltas sa ating budget, katumbas na nito ang budget ng UP Manila at PGH. Sa Feb 7, magkakaroon ng Bicameral meeting kung saan matapos aprubahan ito ay tutungo na ito sa opisina ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo para sa approval.

Ngunit hindi dapat tayo panghinaan o magkasya na lamang sa pananahimik. Sa mga nakaraang pagkilos natin ukol sa budget cut, malaki ang nakukuhang tagumpay kung tayo ay kikilos para ipaglaban ang makatarungang budget. Sa sama-samang pagkilos, walang imposibleng gawin. Nararapat lamang, bilang mga Iskolar ng Bayan na ipaglaban ang isang edukasyong siyentipiko, maka-masa at makabayan!

NO TO STATE ABANDONMENT OF EDUCATION!

NO TO EDUCATION BUDGET CUT!EDUKASYON PARA SA LAHAT!"

Let's fight for a higher state subsidy for educ'n! Oppose the P357 M budget cut! Join the UP systemwide action. Attend the mass up on February 25 (kasabay ng paggunita sa EDSA 1), 8 am, Humanities Steps, UPLB. O kaya, kitakits na lang sa harap ng senate. Please pass.[mula sa: SAKBAYAN; National Union of Students in the Philippines; Office of the Student Regent, Board of Regents, UP Diliman]paalala: paki-copy-paste lamang po ang entry maaaring sa inong blog o sa pamamagitan ng email, para po madagdagan at mapalalim ang awareness ng mga tao, lalo na ng mga estudyante/iskolar ng bayan ukol sa isyung ito. salamat.









*This post is actually taken from one concerned student and citezen of the country, Influenza. She's a fellow blogger and likes to spend time involving herself on mobs and demonstrations regarding social issues.




By the way, nasa UPLB si GMA tommorrow. Hmm...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...