PAST BLOGS

5/13/2017

sa susunod yayakapin na kita

sa kumbento.
sa simbahan.
sa harap ng mga madreng nagtuturo ng regina coeli.
sa pagitan ng mga anghel na sinusukatan ng pakpak para sa salubong.


sa susunod yayakapin na kita.

bago pa hugutin ng tatay ko yung mga pakpak ko mula sa likod.

bago pa ako makaladkad papunta sa malamig na upuan ng ordinaryong baliwag na pinamamahayan ng alikabok.

bago pa ako makatikim ng halo-halong pakiramdam ng lungkot, kawalang kapangyarihan, pangungulila, saya (?), at marami pang iba.


sa susnod yayakapin na kita.

bago pa ako sumakay sa dalawampung taong paikot-ikot ng roller-coaster na buhay.



sa susunod yayakapin na kita.

bago pa ako makatikim
at manakawan ulit ng sariwang hangin
ng oras
ng pagkakataon


sa susunod yayakapin na kita.

sa ilalim ng bilog na buwan.
sa disyerto ng petra.
sa kalawakan.

sa susunod yayakapin na kita.

bilang may kalayaan na ako na gawin ang gusto ko.
para maramdaman ko ang mga kwento mo.
para maramdaman mo ang mga kwento ko.

sa susunod yayakapin na kita.



No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...