natatandaan mo pa ba dati kapag umuulan? yung sabay tayong gumuguhit ng araw sa putik para lumabas na yung araw at matuyo tayo? inaagaw mo pa nga yung stick na ginagamit kong pangguhit. ayaw mo kasing pumulot ng sarili mong sanga.
takot kang maputikan. kaya nga sarap na sarap kang maligo sa ulan, sabi mo para agad na mahugasan yung putik na kumakapit sa paa mo sa bawat pagatampisaw mo. ako naman, masayang dinadama ang pagkiliti ng mga patak ng ulan sa balat ko, masayang ninanamnam ang mga sandaling kasama ka.
gusto ko naman talaga ang ulan. napo-floor wax ang mga kalsada, nalilinisan yung bubong namin, napapakanta ang mga palaka, nakakapaligo ang mga di makapaligo mag-isa, nahuhugasan a ng mga alikabok at dumi sa mundo, at higit sa lahat, nakakasama kita.
mataas ang sikat ng araw ng lumipad ka papuntang amerika. ni hindi ka man lang kumatok sa bintana ng kuwarto para magpaalam. kaya mula noon, kahit masakit sa mata, pilit kong tinatanaw bawat eroplanong dumadaan sa pag-asang muli tayong magkikita at makakaligo ng sabay sa ulan.
pero nabigo ako. di kita nakita sa eroplano.
maraming ulan na din ang bumuhos. maraming bagyo ang dumaan. di na’ko muling nakaligo sa ulan. ayokong magkasakit.
malungkot kapag umuulan. inaantok ang karamihan, tahimik, konti na lang ang mga batang naliligo sa ulan ngayon. malungkot kapag mag-isa ka lang na nanood ng mga nag-uunahang mga butil ng tubig pababa sa salamin ng bitana. malungkot kapag guto mong magtampisaw sa labas at maligo pero wala kang makasama.
nang minsang tumila ang matagal na pag-ulan, nakalipad ako papuntang amerika.
hinanap kita sa kabila ng makapal na alikabok. hinanap kita sa mga kainan. naalala kong mahilig kang maglutu-lutuan noon. sabi mo paglaki mo magiging chef ka. alam kong di ka lalayo sa bagay na malapit sa puso mo. hinanap kita sa bawat kusinang madadaanan ko. pero hindi kita nakita.
isang araw, sa aking paghahanap sa’yo inabutan ako ng ulan. di yata nakaugaliang magbabala ng ulan sa amerika.
muli akong nakaligo sa ulan.
sa aking paglalakad, naalala ko yung mga habulan natin noon sa likod bahay malapit kina tukne, yung pakikipagbatuhan natin kina jeremy at sa mga barkada niyang mahilig mang-asar sa’yo, yung paliligo natin sa ulan nang walang pakialam sa mundo, yung pagsilong natin sa may puno ng mangga para taguan yung tito mong nagpapauwi sa iyo, yung pagguhit natin ng araw sa putikan para tumila ang ulan.
mabilis bumuhos ang mga alaala na parang isang malakas na bagyo. ninais kong magpakalunod na lang sa mga alaala , pero naisip kita, kailangan kitang makita. palubog na ang araw.
pinili kong lakarin ang daan pauwi . magkasakit na kung magkakasakit. nakatingala akong naglakad pauwi, umaasa na sa kabila ng makapal na ulap at malakas na buhos ng ulan, ay makikita kita sa eroplano, nakangiti, kumakaway at kumakatok sa bintana.
hindi pa gaanong kataasan ang nararating ng isip ko nang may puwersang bumangga sa akin.
plakda ako sa lupa at nagsilbing sapin sa katawang bumangga sa akin.
walang halong libog, nag-init ang katawan ko sa tagpong iyon. marahil ay sa pamilyar na tibok ng puso at paghingal ng babaeng nakapatong sa akin. dagling bumangon ang katawan at nakita kita. oo. ikaw.
di ko inaasahang naliligo ka pa din pala sa ulan. mula ba pagdating mo dito naliligo ka na din sa ulan?
sinagot ako ng kwento ng mga mata mong pilit sinasabayan ang buhos ng ulan.
niyakap mo ako. mahigpit.
naligo tayo sa ulan.
nagsayaw tayo sa tugtog ng banda ng kalikasan at sa musika ng iyong mga hikbi.
inalok kitang gumuhit muli ng araw.
sabi mo wala ng putik.
bato na ang iyong puso.
di na titila ang ulan.
sabi ko walang ulan na hindi tumitila.
heto ang stick.
chalk yan. basa pa, pero nakakasulat yan sa bato.
umuulan o!
tara, gumuhit tayong muli ng araw.
8 comments:
I like this narrative.
I think we both have the same.. uhh.. feeling when it comes to rain - we look at it as something to wash away everything that's filthy and dirty.
"pinili kong lakarin ang daan pauwi . magkasakit na kung magkakasakit. nakatingala akong naglakad pauwi, umaasa na sa kabila ng makapal na ulap at malakas na buhos ng ulan, ay makikita kita sa eroplano, nakangiti, kumakaway at kumakatok sa bintana."
ang pag-ibig nga naman...dakila lalo pa't totoo at busilak. sana lahat ng tao handang maglakad sa ulan kahit pa magkasakit matagpuan lang ang hinahanap nila at ng kanilang puso.
"natatandaan mo pa ba dati kapag umuulan? yung sabay tayong gumuguhit ng araw sa putik para lumabas na yung araw at matuyo tayo?"
We used to do that. Then after drawing, we'll start singing, "rain rain go away...come again another daaaay..." Lol. Btw, may I link you? :D
masaya talaga ang maging malungkot kapag umuulan. para bang nagtutugma ang klima at ang iyong mga emosyon.
haha.
emo much?
link ex?
gusto ko yung banda ng kalikasan. Iba kasi ang nagagawang rhythm ng nature. Sarap sa puso.
btw, hsmm8s ko din sina Diana at Venice, mga comarts 04. CAS-SC din ako nitong 07-08, sakbayan. haha. Nbabanggit ka ata ni Rula before? haha. Grabeng LB, parang friendster lang.
pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila, ikaw ri'y magpapaalam na...sabi nga sa kanta.
mga alaala bumabaha sa twing bumubuhos ang ulan. gusto ko ang ending, surreal pero ano nga ba nakakapagbutas ng bato kundi tuloy lang na patak ng tubig. malay mo minsan isang tag-araw e magawa mo na ring gumihit ng araw.
totoo bang nangyari ito idols bulitas?
hmmm... minsan talaga, may mga pagkakataong ang ulan ang nag papaalala sa atin ng ilang mga bagay, masaya man o malungkot, katawa tawa, nakakalibang, o nakaka aba.
malakas ang kapangyarihan ng ulan...
@utakgago: hear! hear!
@klaubette: =)
@jod: sige lang mag-emo tau! link link lang!
@jmar: salamats sa pagdaan! link lang ng link
@saminella: apir! mabuhay ang sakbayan! haha
@tagabukid: napakanta ako dun ah. hehe. at tama, balang araw, matutunaw din ang bato sa tubig.
@kingdaddyrich: =)
oo.malakas ang ulan.pramis
Post a Comment