PAST BLOGS

2/22/2007

kung bakit wala akong abó sa noo

abó akong inayawan na ng ningas kamakailan lang.

madalas kahawak-kamay ko ang hangin.

noong una’y, siya ang nagpapaningas ng aking mga baga.
nang lumao’y, siya rin ang umihip sa mga ito hanggang sa lubayan na ako ng kanilang ningas.

abó akong pilit yumayakap sa hangin kahit na madalas ako nitong tangayin sa kawalan.
kasama ko ang hanging dumadampi sa ice cream na tinitinda sa kalye, kasama ko ang hangin na sumasawsaw sa starbucks coffee sa ortigas, kasama ko ang hangin na sumisilip sa loob ng mga balota tuwing eleksyon, kasama ko ang hangin na naglalakbay sa maitim na baga ng traffic enforcer sa crossing, kasama ko ang hangin sa pakikipag-ilagan sa mga bacteria ng plema ng taong may tb, kasama ko ang hangin sa pagligo, sa pagkain, sa panonood ng sine, at sa kung saan-saan pang lugar; subalit di ko kasama ang hangin sa pagbubuo ng apoy ng aking mga pangarap.

alam kong nakapagdesisyon na ang hanging nakilala ko. pilit niya akong isasama sa mga paglalakbay niya, subalit sigurado akong di na niya ako muling hihipan upang magbaga at magningas.
mula noo’y abó na lang akong kuntento sa mundo.

abó akong madalas apakan, langhapin, gawing kasangkapan, at pinapahid kung saan-saan.
ang mga abóng nilalagay sa noo ay tanda na ang mga bahagi kong naiiwan sa bawat taong nakakasalamuha ko ay nahihipan ng hangin, nahuhugasan ng tubig at napupunasan ng kamay.

sawa na akong matapakan, laghapin, at maipahid lang kung saan-saan.
hindi tamang umasa na lang sa ihip ng hangin para muling magningas.

13 comments:

Billycoy said...

ayos tong post mo!

ayoko rin maging abo... gusto kong maging bacteria na maglalaganap ng sakit sa mundo!

Talamasca said...

Bulitas: The Radical, Unsurpassable Anti-Christ. Haha. :-)

Riker said...

bulitas...nagulintang ako sa post mo a... di ko alam kung depressed o bitter..o something... anyhoo...... hello nalang.. take care! :)

bulitas said...

@ billycoy: waw! bacteria! parang gusto ko na rin yun. isa kang bacteriang lalaganap s a sangkatauhan at pilit hahanapan ng lunas hanggang sa mabaliw ang mga tao sa iyo. wahaha. kelangan ko ng tulog.

@tala: =p

@ chino: stressed. =)

lateralus said...

For some reason I thought this was your subliminal "Im quitting smoking" entry. hehe

Anonymous said...

kasama mo siguro yung alabok na napadpad sa may paanan ko ano? kahit anong hugas ko di matanggal naging putik na nga e.

aaronjames said...

hehe. ang naisip ko naman late entry for ash wednesday na hindi sya nakapagsimba dahil sa title. pero while going, pumasok din sa isip ko ang quitting smoking and dyin naman sa last part. hehe. gulo ko noh?

bulitas said...

@ benj: haha. though most people in my social metwork were chain smokers, i was never a fan of smoking.

@ melai: baka nga. haha.

@ aaron james: hmm. mejo tama ka. haha. post-ash-wednesday-entry ko ito. apir!

Anonymous said...

i encourage you to smoke.
para dumami naman ang pasyente namin.
:)

lateralus said...

ano ulit real name mo? haha, sorry, nakalimutan ko na.

Are you earning via adsense already?

L.A said...

Wow post ash wednesday ito haha! Irvin papalit na ng url lumipat na po ako sa http://artworks.uk.to/

salamat po pa change na po ng url http://artworks.uk.to/
oi punta k sa phil. blog awards ha

Anonymous said...

Ash Wednesday? Hehe.

Sorry, hindi productive ang aking utak ngayon. LOL.

Anonymous said...

naalala ko nung highschool, yung abo sa lupa ang pinahid ko sa noo ng kaklase ko, naiinis kasi ako sa kanya. sinong bully? hah!


galing mo na talaga sumulat.:-)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...