tanga!
hindi lipstick yan! ketchup!
huwag mo nga akong pakialaman kung ano'ng gusto kong ilagay sa noo niya.
Eh sa ketchup lang ang pulang nandito eh.
sa tagal mo ba namang dumating eh nakatulog na si baby.
aba! hihintayin ko pa bang mausog at mabati ng mga masasamang elementong alis-balik itong bata? hindi na uy!
kahit walang lipstick, kaya kong protektahan si baby laban sa mga kampon ng kadiliman.
kung nakinig lang ako noon kay inay, eh di sana hindi na kami inabot ni baby ng katakot-takot na kamalasan.
naglagay na rin sana ako ng pulang marka sa noo habang nagtatrabaho ako noon sa mcdo.
marami namang ketchup doon.
pwede akong magpuslit sa tuwing makikita kitang papalapit sa counter.
pero hindi ko iyon ginawa. ang sabi ko noon sa sarili ko swerte ka. mas maswerte pa sa mga pulang inilalagay sa noo. akala ko seswertehin ako kapag hinayaan kitang pakialaman ako.
pucha, mali pala ako.
hindi ko na dapat hinayaang tanggalin mo ang lipstick sa aking mga labi.
ikaw lang naman ang lumigaya noon.
oo, ikaw lang.
ikaw lang ang nagpapapakalunod sa sarap habang nilulunod na noon ng dugo mula sa aking ari ang iyong pawisang katawan.
hindi ko na sana ibinigay sa'yo ang lipstick.
matapos matuyo ang pula sa iyong katawan, nilisan mo ako, kasama ang iniwan mong marka ng pinaghalong pula ng dugo at pag-ibig sa aking sinapupunan.
akin na ang lipstick.
makapal na ang nalagay mo sa'yong mukha.
umuwi ka na.
tapos na ang party.
hindi ko na kailangan ng payaso.
8 comments:
Una ako!
Mixed reactions... un lang ang masasabi ko... Bakit? Ano ba meron pag may pula ka sa noo? Hmm... ANyhooo.. natawa ako sa last part! :))
Yung red mark ay parang kontra-usog right? Nagulat ako... :) napadaan...
am trying to figure out the deeper meaning... medyo magulo. me malalim. pero di ko masisid..
part ba to ng play?
try kong basahin uli..
This is kinda disturbing... Blood, sex, violence? But the metaphors you used were great, as usual. :-)
d ka talga bulitas kung walang kalibugan
haha
astigin as usual..
the harsh reality gna naman...
san mo nahuhugot ang mga ideyang iyan..
naiinis ako sa mga fellow blogger ko
agn gagaling nyo amg laro ng salita..
pede ba penge ng uak nyo..
siguro pag pinag halo halo ko kayo e original n rin yun
haha
LOL! Syempre natuwa nanaman ako sa ambigiouity (tama ba spelling? LOL!) ng post mo! Payaso! lol!
ahihihi medyo may deeper meaning nga! anu ba ang nangyari ah? ikwento mo naman. .. . baka nakabuntis ka na manny??
as usual, maganda ang post mo.
mga sampung beses kong inintindi pero wala. parang - may transition na nangyari. mula sa lipstick sa noo, naging - lipstick sa labi.
@-)
ok. bahala na. pero isa lang masasabi ko - NICE POST!! ganda. http://utakgago.blogspot.com
Post a Comment