Oo, sige, sasabihin ko na ang pangalan ko, pero ngayon lang.
Swerte na lang ng mga makakabasa nito habang hindi pa nawawala. Minsan ko lang itong ipo-post.
Ako si Irvin, (as if it matters) lumaki akong may buhay na makulay. Sing-kulay ng pinagbuhol-buhol na kulay ng bahaghari.
Nung bata pa ako, nabubuhay ako sa paniniwalang may kakambal ako.Kalaro ko siya noon araw-araw. Nakatira siya sa kabilang kanto sa kalye namin. Kalaro ko siya lagi ng teks at habulan. Lagi din akong nasa bahay nila dahil marami siya noong mga action figures na sa tv ko lang napapanood. Meron siyang Wolverine, Cyclops, Rogue, at lahat yata ng Xmen. Meron din siyang kumpletong set ng Power Rangers pati mga robots nila.
Nakasundo ko siya hindi lang dahil sa mga laruan niya, kundi dahil mabait din siya. Kaya nga nagkaroon kami noon ng kasunduan na magiging magka-kambal kami. Hindi yun bunga ng panonood naming dalawa ng Julio at Julia sa channel 2. Hindi rin dahil Irwin ang pangalan niya, kundi dahil magkaibigan kami. Basta. May kung anong pagkakaintindihan ang namagitan sa’min noon, na parang may makulay na ilaw na lumitaw sa’ming mga dibdib tapos bumalot sa’min tapos friends na kami, yung parang sa cartoons.
Akala ko nun magiging parang amazing twins na kami forever kahit di naman kami magkamukha. Pero akala lang pala ang lahat.
Minsan isang araw nang maglaro kami ng teks, natalo ko siya. Kasalanan ko bang sinuwerte ako sa teks nung araw na yun? Isa pa, malay ko bang iiyak siya at magsusumbong sa nanay niya? But ina nga lang di makitid ang ulo ng nanay niya at di na pinatulan ang pag-iyak ni Irwin. Akala ko di na lalaki yung gulo nang kumprontahin ako ng tatay ko. PInagalitan niya ako at pinalo. Kung bakit ko daw ba tinalo si Irwin. Naman! Kaya nga laro diba? May nananalo, may natatalo.
Hay, at ayun, sinunog ng tatay ko yung dangkal-dangkal na teks na napanalunan ko.
Sayanag. Pwede ko pa naman yung ibalik kay Irwin para tumahan na siya. Ayoko kasing mawalan ako ng kambal.
Ayun, pagtapos nun, di na kami masyadong nagkita ni Irwin. Di na siya nagpupunta sa bahay, nahihiya na’kong makipaglaro ng mga action figures sa kanya. Di ko na maibabalik yung mga teks niya.
Matagal tagal ding hindi kami nagkita ni Irwin, hanggang sa lumipat na kami ng tirahan at di ko na siya muling nakita.
******************************
Nung mga grade 3 naman ako, aksidente kong nabasa yung ITR ng tatay ko. Nagulat ako nang mabasa kong tatlo kaming magkakatapid. Ako, si Abby at si Mervin. Tinanong ko kung sino si Mervin, sabi niya kunwari lang daw. Fictitious character. Para daw mabawasan yung tax niya, kelangan madaming anak.
Dati natanggap ko yung rason niya, pero nang mahalungkat ng malilikot kong mga kamay noon ang isang birth certificate at isang picture ng bata, nag-iba ang pananaw ko. Namulat ako sa katotohanang sinungaling ang mga matatanda.
Nakita kong malinaw na nakasulat sa birth certificate ang pangalang Mervin at ang pangalan ng tatay ko bilang ama niya. Aba!
Siyempre nagulat ako, kaya nagtanong ako sa mga lolo't lola ko at nalaman ko ngang may kapatid pa akong isa! wah!
Nito lang, sabi ng tatay ko, paparating na daw si Mervin. Kukunin na daw niya ito sa Iloilo dahil iniwan na daw siya ng nanay niya.
Nang tanungin nga ako ng tatay kung ano ang lagay sa'kin, sabi ko ok lang.
Wala namang kaso sa'kin kung darating ba siya o hindi.
Sa katunayan, na eexcite pa nga ako e.
May darating na namang ka-rhyme ng Irvin sa buhay ko.
7 comments:
hehehe. naaliw ako
i sure had high hopes before of atleast a half sibling from my dad. my dad was uhmm a playboy when he was a teen kc....
pero to my dismay, wala wala wala
akong kapatid
only child pa din akooow....
hey give your new bro a hug alright...he might have been through A LOT growing up without a dad.
he needs a lot of lovin'
after kantahan mo na rin ng
paparapapa bro ko to!
aliw...
freaky siguro pag sakin nangyari yan,
aliw...
^_^
Ang galing naman. At ayus ha at andali mong natanggap.
kulet nmn ng story mo!
tunay na makulay nga ang iyong buhay...
kakatuwa.. kulet tlaga =)
Hi Irvin,
Nice name u got..interesting story..napadaan lang po!!! Keep on blogging!!!
Post a Comment