masaya na akong nalaman kong ang buong pangalan ni sassy girl sa my sassy girl na movie ay kyungjin yeo. wala lang.
dati kasi kapag tinatanong ko yung mga naunang nakapanood kesa sa'kin ng MSG kung ano yung pangalan ni sassy girl, lagi nilang sinasabi- eh di sassy girl.
tinanggap ko na lang noon yung mga sinasabi nila hanggang sa mapanood ko yung windstruck.
huli na'ko kung huli para sa mga laging updated na movie-buffs, pero ano ngayon?
ang mahalaga, napanood ko yung pelikula.
minsan lang akong kumawala sa mundo.
cheesy na ako kung cheesy pero na-struck ako ng windstruck.
minsan na lang kasi akong manood ng mga love-flicks nang hindi masyadong nag-iisip.
masarap rin naman minsan na manood ng pelikula nang nagpapadala ka lang sa agos ng emosyon.
ganun nga siguro yun, yung mga taong nagiging riddle na hindi mo ma-solve sa buhay mo ay yung mga taong mahirap kalimutan.
yung mga magugulong tao. magulong kausap, kasama, mahirap timplahin-sila na! sila ang mas tumatatak sa utak at damdamin, na tumatatak hanggang sa kamatayan.
hay. kumusta naman ang mundo?
************
when i die, i want to become the wind
4 comments:
magiulo pa rin ang mundo.
parang si sassy gurl.
kaya nga di ko pa rin ito maiwan.
don't be sad. i do get cheesy sometimes. i posted about starstruck stuff recently.
i do love that film... i do.. i do...
Gotta love MSG. Thank God for the globalization of Korean movies and series. :-)
Post a Comment