PAST BLOGS

4/08/2006

anim na raan at higit pang halakhak kasama si nene

nene,
akala ko mapipindeho na ang hapunan natin dahil sa pasaway na pork chop na ayaw magpahiwa.
masaya naman palang kumain sa burgis na kainan.
nakakatuwang nagawa natin ang mga gusto natin (humalakhak ng malakas, mangupal ng crew, at magreklamo sa serbisyo ng restaurant) nang walang pag-aalinlangan.
naaliw ako na hindi mo na iniinda ang mga waring mapanuringmga mata ng mga naka-posturang kumakain doon.
ewan ko ba kung paano nila natitiis kainin yung makunat nilang mga inihaw.
nagtataka rin akong hindi sila nagtataka kung bakit walang kasamang kanin yung mga “value” meals nila dun. baka anamn sanay na silang kumain doon at tayo lang talaga ang nagtataka.
ano’t anu pa man, naging masaya naman tayo. aaminin kong nawala ang stress ko kahit mga ilang oras lang. kahit na sumakit yung btiyan ko sa sobrang pagsulit sa bottomless iced tea nila, ayos lang. wala nang sakit –sakit kapag tawanan na.

hay.
sana’y maulit muli ang mga kalokohan natin:
ang
    pagdodrowing sa lamesa ng burgoo

    pangungupal sa crew ng burgoo

    pagkuha ng picture habang naglalakad sa gateway

    paghakbang ng pasalungat sa takbo ng escalator

    paghaharutan sa kalye ng cubao

    paglibot ng pabalik-balik sa mall

    pagtawa ng walang pakialam


teka, basta wag na lang tayong kumain muli sa burgoo.

busy na naman ulit.
minsan-minsan lang naman tayo magsaya.
mamimiss ko ang mga kabaliwan natin.

salamat sa muling pagbabahagi ng oras at panahon.
masaya ako at nagkita tayong muli.
ano ba naman ang anim na raan makasama ka lang muli?

***
mas magiging makabuluhan ang isang pagkilos na bukas sa pag-aalinlangan at pagtatanong.
*****
di man ako tinawagan ng mccann ngayon, alam kong may pag-asa pa rin ako

2 comments:

Anonymous said...

astig naman ng adventures niyo. kakainggit.sana nakakalabas ako ngayong bakasyon.
-lina

nieLe said...

firSt. stOp cAlling mE nEne... i hAte it.

secOnd. i enjoyEd yOur treAt. kAhit nA mAkunAt uNg stEak. ^_*

thiRd. yAyamAn din tAu. mAkakapAgpAtayO dn tAu ng reSto. at tAtabi tAu sa burgOo. hehe.. wLa lang,prA cuTe. ^_*

fOurth. tc. kAhit pAngit kA. [anOng reLasyOn??]

fiFth. nAndito Lang mE... sinong bEstfriend mO duun?? [Siempre ikAw lAng] Promise wAlang iwAnan?? [crOss my hEart!] amfOotAh. ang cOrny. harhAr. u gEt the idEa. wAg kaNg sLow. hehe.. c'yu sOon. ^_*

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...