dati,
mula nang mauso sa'kin ang email,
isinusuka talaga ng panlasa ko ang mga chain messages.
tulad halimbawa nito:
pass this now to 20 of your friends,
and in two weeks, you will find your true love.
kumusta naman yun?
siyempre di ko finorward yung message.
bukod sa aksaya ng effort at oras,
alam ko namang hindi magkaka-totoo yun.
dumating ang panahon na halos mapuno na ng chain messages
yung inbox ko.
hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil maraming nag-eemail sa'kin.
pero mas pinili ko ang hindi mainis.
ayokong tumanda agad dahil lang sa chain mails.
ayun, sabi ko hindi ako magfoforward kailanman ng chain mails,
pero hindi ko napigilan ang mga daliri ko.
nainggit ako sa trip ng mga nagfoforward lang ng nagfoforward ng messages kaya sinubukan ko ring magforward.
aba, dapat ma-experience ko din yung saya nila. (kung meron man)
medyo naaliw naman ako sa resulta.
siyempre umikot lang ng umikot yung mga messages.
ung mga finorward ko, narereceive ko rin.
paikot-ikot, pero nakakaaliw din.
dahil sa biglaang pagsikat ng unlimited promo ng mga cellular networks,
naglipana na rin sa mga cellphones ang mga chain text messages.
nito lang nakaraan, hindi ko na napigilan ang aking inis dahil sa
mabilis na pagka-puno ng inbox ko.
wala namang malaking memory space yung telepono ko kaya mabilis itong mapuno.
mantakin mo'ng sunod-sunod na mga messages ang dumarating kahit na dis-oras na ng gabi.
minsan naiisip ko dahil siguro sa init ng panahon kaya wala nang ginawa ang mga tao kundi mag-text.
minsan naisip ko din na dahil baka wala lang talagang magawa ang karamihan sa mga pilipinong may cellphone.
pwede ring dahil sinusulit ng karamihan ang pagka-unlimited nila.
pero kahit ano pa mang dahilan, nakakaloko pa rin ang mga chain messages.
eto ang ilan sa mga nakakalokong chain messages:
magaling na boksingero si manny pacquiao.
pass this to 20 of your friends
and within 2 weeks,
magiging magaling na boksingero ka din.
ang pandesal ay masarap at masustansyang tinapay.
pass this to 12 of your friends
kundi, magiging pandesal ka within 2 days!
totoo 'to.
si manny pacquiao ay napakaraming commercials.
isa siyang magaling na endorser.
pass this to all your friends
kundi, magiging kamukha mo si manny pacquiao!
ang sago't gulaman ay itinuturing na pampalamig...
pass this to 15 people para umulan ng snow mamaya.
pls don't break the chain.
totoo 'to.
nung una, naiinis ako sa mga chain messages dahil
naiisip ko palagi ang kawalan nila ng sincerity.
madalas, nadadamay ko pa yung mga senders.
pero hindi ko naisip na maaring mali pala ako.
na sa sandaling pinadalhan akong mga kaibigan ko ng mensahe,
kahit na forwarded man ito o chain,
isa na yung indikasyuon na naaalala pa nila ako.
isa pa, nakakatawa naman minsan yung mga messages.
masaya rin naman makipaglokohan.
ok lang din naman sigurong lokohin mo ang sarili mo paminsan-minsan.
wala namang mawawala kung magpapauto ka
na minsan maari kang maging pandesal pagkatapos ng dalawang araw.
********
first time ko 'to mag-blog sa office.
*************
happy anniv sa'tin.
=)
huwag ka nang magtampo.
basta learn the art of detachment.
iloveyou.
6 comments:
gusto ko yung sa pandesal tsaka gulaman. kakagutom. hehe.
hehe... katuwa naman!
mas nakakabaliw yung gagamitin pa si Christ para lang pilitin kang iapasa yung message:
"If you love God you will not break the chain."
Yung mga tipong ganon... pero hindi ko parin finoforward... hehe.. magdusa sila!
======
uy aniv nila!
may pinaggagamitan ka na ba ng bulitas mo? hehehe... Kiddin'!
Galit ako sa chain email, letters at text. Naiinis ako dun sa isa minsan, Pass this to ten poeple or your Mother will die within one week!
Inaway ko yung nagdala, mabait pa naman sya, uto-uto lang.
Di ko na finorward kasi nakakaasar.
Masaya ako sa text jokes kasi yung iba nakakaaliw talaga. Medyo nabawasan na lang yung appreciation ko sa mga quotes except pag maganda lang talaga.
basta ako di ako nag foforward kahit ano..... sa akin lage na lalagot ang chain hehehe...
Nyahaha. Nakakatwa nga ang mga ganun, pero dati nagfoforward ako nun :)) Tapos wala pang unlimted promos edi siyempre, ubos ang credits. :))
Yihee. Anniv. Sweet naman.
Happy sa inyo. :D
hehehe kulet nitong post mo ! wow me work ka na pala!
galing ha kagagrad lang me work agad :)
Post a Comment