PAST BLOGS

4/29/2006

ang paglabas sa bahay ni kuya at ang kadiliman sa lansangan

nung una nagdadalawang isip ako sa pagiging valedictorian ni aldred ng pbb teens.
para kasing hindi siya nag-iisip.
akala ko natunaw na yung utak niya sa init, tapos naging luha.

kumusta naman yung peer-rejecton and acceptance drama?

di naman ako pusong bato kaya medyo nakisimpatya naman ako sa mga housemates niya. nakakalungkot talaga na mawalan ng isang housemate, lalo na kung alam mo na madali siyang kakumpetensiya. sayang. tsk.tsk. (joke lang)

sa kabilang banda, ok din naman yung ginawa ni aldred. baka nga naman pinag-isipan niya talaga yun ng matagal.
aba, bukas, nasa ilang balita na siya at baka magka-show pa.
instant publicity. ang disadvantage lang nun, baka instant din ang pagkawala niya sa ere.

kung ako si aldred, lalagyan ko ng twist yung drama ko.
at the last moment, haharap ako sa camera, iiyak, at sasabihin kay big brother na hindi na talaga ako aalis.
sasabihin ko na bigla kong naramdaman ang pagmamahal ng mga housemates, kaya naisip kong hindi na lang umalis. haha. ano kaya’ng gagawin ni big brother? ano kaya’ng magiging reaksyon ng mga housemates? matuwa kaya sila o maasar? Sa ganoong paraan, mas sisikat ako at pag-uusapan. haha.

naku, kung ako sa mga housemates, pagtitripan ko naman minsan si kuya.
Kukuntsabahin ko silang lahat na housemates na kunwari hindi namin naririnig si big brother. Hindi namin siya papansinin kahit na sumisigaw na siya, para maloko yung crew kakaisip kung ano ba talaga yung may sira. isa pa, walang task for the day di ba? asteeg!

ang hina kasi ng mga housemates. try kaya nila minsan huwag sundin si kuya? i mean, kunwari sira yung mga cameras or sirain na talaga nila, tapos magkulong sila sa loob ng bahay. pakasasa sa c2 at coke, pakabusog sa mga pagkain dun, tapos magnenok na rin ng mga gamit para maibenta sa labas.
ano kaya magiging reaksyon ni kuya at ng mga viewers kapag nangyari yun?


*******************
kanina lang, galing airport, napansin kong dumidilim na ang mga lansangan sa siyudad..
akala ko sa mga lugar lang na sakop ng kapangyarihan ng gobyerno laganap ang kadiliman; pati pala ang mga pampublikong lansangan, unti-unti nang nakukumutan ng dilim.
malala na ‘to.
lumalakas ang kapangyarihan ng dwende.
sa kagustuhan niyang makapag-tipid ng enerhiya,
isinasasakripisyo niya ang liwanag ng lansangan.

paano na lang si aldred na lumabas sa bahay ni kuya?
madilim ang lansangan.
baka di niya kayanin ang dilim sa labas, di lang luha ang lumabas sa mga mata niya.

seryoso na, kumusta naman ang pagkokompromiso ng kaligtasan ng nakararami para sa pagtitipid?
***************************
tama na ‘to. di ko pa tapos script ko.
hay. ang buhay nga naman ng isang crammer.

14 comments:

Anonymous said...

madlim din sa lansangan namin. =(

kulas said...

Sa ngayon, tabi po, tabi po, ang hiling na kailangan. Dahil ang maligno ng dwende sa dilim kahit saan, sa pag-sikat ng araw, na maasahan, ay magbibigay ng liwanang sa nagaalinlangan.

bulitas, like ko blogsite mo.

Doubting Thomas said...

hehehe...

pano kaya sila makakapagusap ng hindi naririnig ni BB?

:p

buti nalang maliwanag dito samin... at sobrang init pah!

Ate Sienna said...

natawa naman ako sa mga suggestions mo sa episodes ng pbb. pero type ko yung ha - wag pansinin si kuya. kakalukring sa staff yun!

Anonymous said...

astig nung plano mo tungkol sa pagsuway ng mga utos ni big bro ah... lalo na yung idea mo sa ginwa sana ni aldred... puro kalokohan ka talga ... hehe... astig... sumali ka sana... ehehe

ie said...

hay nako, nung una, nakisimpatya ako kay aldred. feeling ko kase, mababa talaga yung e.q. niya kaya siya ganun (which is posible naman). pero parang weird talaga yung kilos niya. parang walang pinaghuhugutang logic, kahit baliko. basta.

parang si gloria: madalas mas malala pa sa balikong logic ang pinapagana.

so dapat may konek din ang comment ko noh? ha ha. :]

ie said...

at goodluck nga pala sa script. kaya mo yan. :)

PATRICIA said...

ako rin hindi ko masakyan yang aldred na yan...weirdo sobra!

i think there is a problem with the way the station is choosing the housemates. Playing safe or that's the best they can do, ewan ko. Basta they are placing all the wrong people inside the house.

Anonymous said...

Bakit naman kase laging puro utos yang si kuya! eh ang dami nyang staff bakit di sila ang gumawa... lol... o kaya yung mga ninjas...hehe... eh bisita yung mga teens dun eh bakit cla ang gumagawa... jks... tungkol dun sa wag pansinin si kuya, magandang idea yun.

BTW di po ako nakakapanood ng PBB :( kawawa naman ako... or maswerte?? lol... ang tagal nang walang BB US :|

Anonymous said...

naisip ko rin na sana for the last minit, nagpakagago si aldred at bglang sabi kay big brother na hindi na lang sya lalabas.. hahaha.. pampam! hehehe.. mga ulaga rin yang mga housemate eh.. shongaers! nyayayaya...

Anonymous said...

ano ba naman 'yang mga naiisip mo sa baahy ni kuya?? nyehehe

about dun sa aldred.. sayang un.

parang di nga nagiisip..olats na olats.

ganon b tlga kapag valedictorian? nyehehe

errrr... pero baka may iba pa kcng mga nangyayari..pakiramdam ko nga napaplastikan cya sa mga housem8ts nuns paalis na cya..

xempre on air dapat may emote na ganon haha.. paiyak-iyak pa

*pero xempre wala naman akong alam, wala naman ako sa loob ng bahay nu kuya kundi d2 lang sa bahay ni nanay.

haaay magPBB ka na nga! nagpapa-audition na at. sali na IRVIN! haha :D

Anonymous said...

kahit kelan talaga bulits, ang hilig mo sa showbiz! i don't think your suggestion will work! bawal ang lihim na usapan sa loob ng bahay. kaya nga naparusahan sina franzen and jason dati... isa pa ang pagsali sa PBB is to test your discipline.

pero nagtataka rin ako ano kayang gagawin ng crew pag nagkataon..baka pumasok sila ng bahay...

at isa kang certified aktibista hehehe! halata sa mga post mo!

kaya mahirap makakita ngayon eh..kase madilim! nakakatakot!

Anonymous said...

sa psychology ni aldred, ganoon talaga ang isang infj type. madalas nag-iisip at napagiiwanan sa daloy ng karamihan. maaring nahihirapan siyang makihalubilo sa mga kapwang housemates dahil na rin sa antas ng pamumuhay ng nakararami. kung mapapansin, si mikki ang lagi niyang kausap dahil pareho silang introverts. mas nauuna ang damdamin nila kaysa sa sinasabi ng utak.

gusto ko nga ring maging housemate e, or better yet palitan ang psychology nila sa bahay. haha.

nagsusulat ka nga pala ng script? asteeeg. ako rin, pero hindi ko sineseryoso. laking-tamad kasi. haha;)

Anonymous said...

aba'y hanep sa suhestyon ah...

pero inpernes, pahirapan sila non daba?

at pag nagkataon, yan na ang magiging last season ng PBB...haha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...