patawad.
may bago akong kasalanan.
may bago akong bisyo.
masyado na akong matakaw.
alam ko.
sabi ng simbahan, gluttony is a sin.
pero anong magagawa k? lagi akong nagugutom.
bakit ba naman kasi ang mahal kumain.
pesteng luho ito!
mas mahal pa yata ito kesa sa pagyoyosi at pag-iinom.
mas namamahalan pa ako dito kesa sa pakikipagrelasyon at pag-iinternet.
hindi ko naman nsinasadyang lustayin na lang sa pagkain ang mga perang ibinibigay ng mga mahal ko sa buhay.
mahirap kalabanin ang nag-aalburotong sikmura.
sana nga nare-recycle na lang yung kinain mo, para pwede mo pang iluto at kainin ulit.
e ang kaso, yung pera magiging pagkain, yung pagkain mo, magiging tae o kaya utot, tapos wala na. alangan namang kainin mong muli ang dumi mo! wah.
pasintabi sa mga mahihina ang sikmura. pasensiya na.
ngayon, paubos na ang padalang katas ng UAE ng aking ina.
nagastos ko na sa pagkain ang pambayad ko ng bahay.
nagpakabusog ako para sa mga papaer requirements.
hay. kumusta naman ako?
hay pagkain.
patawad.
****************
pagkaalis ko sa compu shop na ito, susubukan kong magpatingin kung masyado nang malulusog ang mga alaga ko sa bituka.
4 comments:
bloghoppin...
pareho tayo ng bisyo kahit minsan katatapos ko lang kumain, nagugutom na rin agad but somehow, kung may pra ka lang din naman pambili ng pagkain...
and so far mas okay kumain kesa sa uminom or manigarilyo...
medyo may kamahalan nga ang bisyong yan..
ako din eh..
lately nagtatakaw ako..
dati naman hindi ako ganto..
hay...
pana-panahon lang siguro talaga.
mahilig din akong kumain *hehehe* next time, i-budget mong mabuti allowance mo para dudukutin ka for rainy season :)
ingatz
Best regards from NY!
» » »
Post a Comment