PAST BLOGS

2/25/2006

panawagan sa ispiritista

kamakailan lang, nanaginip akong nanonood ng telebisyon, kung saan sinasabi na patay na raw si gloria. magulo yung mga tao sa tv. di magkandaugaga kung ano na ang gagawin sa bansa. ang mga tao nagkakagulo sa lansangan. ako, nasa harap ng tv, sa dorm, naghihintay ng mangyayari. tanda ko, hindi na rin magkasundo ang mga tao sa gobyerno, hanggang sa wala nang gustong mamuno. simula na yun ng civil war sa pilipinas.
**
gumising ako mula sa bangungot.

************
hindi naman mahirap kontrahin ang kapangyarihan ng dwende.
ang mahirap, kontrahin ang kapangyarihan ng dwendeng nag-aastang higante.

maaring natatakot ang dewende na mapatalsik sa kanyang punso.
maaring natamaan siya sa mga maliliit na batong ipinupukol sa kanya, kaya heto siya ngayon at nag-aastang higante.
naghahasik ng takot at lagim sa karamihan.

pero kahit na.
dwende pa rin siya at hindi tunay na higante. hindi man siya mapuksa sa mataimtim na dasal at pakiusapan, makakahanap din siya ng katapat.

(na-inspire ako sa post ni ie )

*****************
napa-isip din ako. baka ipahuli ako sa pagsusulat na ginagawa ko. pero naisip ko, sakop pa kaya ng kapangyarihan ng dwende ang mundo ng pagbblog? =)
dito, wala siyang masyadong kapangyarihan. kahit ipatigil pa niya ang tri-media, meron pa ring paraan para magpahayag, at ito ang pagba-blog.

4 comments:

Anonymous said...

durugin na ang dwende!!!!!!!!!!

lila said...

sana di matuloy yung civil war. scary.

HANMAE said...

bwahahahaha...now that was really really funny but true!...lol...sa lahat ng post about kay "dwende" na nabasa ko na sa mga blogs dito ako natawa mxado..sa iba, they call him 'BITCH' etc.. pero dito dwende..lmfao..nice one!..

tke care lgi!

Talamasca said...

Brutally honest. Love this entry. Time to go, elf. LOL. But yeah, I don't think na may power sya to stop blogging. Blogging is a major force she can't beat.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...