walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan sa metro manila ngayon.
marami ang natuwa.
natuwa dahil may panahon pa sila para makanood ng tv, para makapaglaro sa labas, para makagawa ng di natapos na assignment, at para gawin ang kung ano-ano pang mga bagay na gustong gawin ng karamihan kapag walang pasok.
nakakalungkot isipin na sa kabila ng sunod-sunod na pagsabog ng mga isyu sa lipunan ngayon ay mas marami sa mga tao ang walang pakialam. kung bakit ba kasi masyadong napasama sa genes ng mga pinoy ang pagka-apathetic na ugali ng mga dayuhang mananakop.
kikilos lang tayo kapag tayo na mismo ang direktang naapektuhan.
naman! hindi pa ba natin nakikita na kapag nawalan ng pasok, nababawasan ang kita natin, nababawasan ang natututunan natin sa paaralan; at dahil nagkakagulo na sa paligid natin, hindi malayong mauwi na naman ang bansa sa isang madilim na pamamahala-ang pamamahalang represibo at di makatao.
sa katunayan, noon pa ito nagsimula, ngayon lang talaga umaalsa ang mga makasarili at maitim na balak ng administrasyon.
kung hindi tayo magssalita, at patuloy na magpapalunod sa ating mga luho (tulog, kain, laro, telebisyon, libro, sex, etc, ) at mag-mamaangmaangan sa mga nangyayari sa paligid, hindi malayong magkagulo ang bansa at mauwi tayo sa gera. hindi ako nag e-exxagerate. malamang, kung hindi tayo magsasalita sa panahong ganito, na pilit tayong binubusalan upang isiwalat ang katotohanan, magpapatuloy sa pagdami ang sugat ng ating lipunan. mga sugat na ikinakatuwa pa natin, mga sugat na hindi natin napapansin dahil hindi pa nagnanaknak, subalit sa panahong dumami na ito at maapektuhan ang ating katawan, tsaka tayo mag-ngangangawa.
4 comments:
tunay ngang nakakalungkot na marami ang natuwa dahil walang pasok. hindi ba sila natatakot man lang sa mga implikasyon ng kawalan ng klase? hindi ba sila natatakot sa maaring nagyayari at mangyayari sa bansa? tsk.tsk. ganito na ba kawalang-pakialam ang mga pinoy ngayon?
napakaaga ng post na to ah? super updated? hello? natutulog ka ba ba?
it's nice to know that there are people like you na very much concern at nagbabantay pa rin sa tunay na kaganapan ng ating bayan...
don't you worry, hindi naman talaga lahat natutuwa sa balitang walang pasok...
i think and i hope na naghihintay lang ang tao ng tamang pagkakataon...
lam mo, kung ako tatanungin eh talagang wala akong pakialam sa mga nangyayari. walang pakialam in d sense na wala naman akong mgagawa kung ano man ang mangyari sa labas. pero wag ka, maghapon magdamag kong inantabayanan ang mga nangyari. kahit wala akong pakialam eh concerned pa rin namn ako sa mga nangyayari. ;)
hehe... nakakatuwa naman dahil from "walang pasok" ay nakapag sermon ka.
Well, sa mga panahon na 'to mas kailangan nating suportahan ang gobyerno.
para kasi sa mga mahihirap na Pilipino, wala nang pag-asa ang Pilipinas kapag si Arroyo ang presidente.
...at pano mo naman nasabing walang paki-alam ang mga Pilipino? Hindi ba't marami ngang nag-marcha sa kalye? kahit na hindi ko gusto ang pinaglalaban nila, at least...
Post a Comment