PAST BLOGS

1/07/2006

migrane

ang hirap 'pag di matukoy ang pinanggagalingan ng sakit.
kahapon pa'ko pinupukol ng kirot sa ulo.
mapilit kasi 'tong utak ko.
sinabi nang wag munang mag-isip.

di kaya nasobrahan ako sa nalanghap na insenso?
pa'no ba naman, pag-uwi ko ng bahay kagabi, nilulunod ng usok ng insenso ang buong bahay.
may mga nakikita daw silang kung anong elemento sa bahay.
baka sumapi sa'kin yung elemento.
ewan.

mahirap kapag minsan itinatanggi ng utak ang mga bagay na dapat iniisip at hinaharap.
gaano ba kahirap tanggapin at harapin na ang isang bagay na gustong-gusto mo at inaakala mong mapapasa'yo na ay unti-unti nang naglalaho at malapit nang mag- "poof" into thin air?
wahaha.

magulo ba talaga ang mga babaeng nagsisimula ang pangalan sa letrang "r" ?

ang hirap talaga kapag ikaw lang sa pamilya mo ang nakakaintindi sa course mo.
mas mahirap kapag ikaw ang takbuhan ng lahat.
assignment dito, project dun.
dapat may masterals na'ko sa paggawa ng assignments at projects ng mga kamag-anak ko e.

bakit ba kasi nalimutan kong ipa- contercheck yung id ko sa library, ayun, pinalabas ako sa library ng college of business ad sa diliman. di daw ako enrolled. ang kulit nung matandang babae.
hinayaan ko na lang. malamang nasa menopausal stage na.

puno pa rin ng usok ang utak ko.
kailangan ko ng espiritista.

kung iisipin mo, di naman tayo ganito...
teka muna teka lang, kailan tayo nailang?
tinatawag kita, sinusuyo kita,
di mo man marinig, di mo man madama.
o kay tagal din kitang minahal...
o kay tagal din kitang mamahalin.

-burnout, sugarfree,

3 comments:

nixda said...

di kaya umalis iyong sumanib sa iyo kaya sumakit ang ulo mo? hehe
baka kailangan mo ng bago?!:D

teka lang..."r" din ang first letter ng name ko...hmmm...mejo nga magulo ... sang-ayon ako jan!

schönes wochenende!!!

jay-p said...

Napadaan ulit.

Nagpapausok rin ng insenso sa amin (yung type na ginagamit sa simbahan)... nakakasulasok minsan pero naadik na yata ako.

Business student ka pala, ako din... wala lang. I hate my course kasi.

unknown particle said...

weeee inlab?? lol!!! esperistista ako punta ka rito gagamutin kita lol!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...