- Anong ginawa nila sa’yo?
Anong ginawa mo sa sarili mo?
- Tiya: Walang may kasalanan.
- Kung nagtrabahao ba naman kasi kayong lahat ng matino, hindi iyon mangyayari sa kanya!
- Tiya: Desisyon niya ang lahat.
- Tungkulin, hindi desisyon.. Kinailangan niyang magtrabaho para buhayin kayo.
- Tiya: Igalang mo naman kami.
- Bigyang respeto niyo naman ang nanay ko!
- Tiya: Maniwala ka, humihinga pa siya nung sunduin ka namin sa bahay.
- Bakit kasi ayaw niyo pa akong pasamahin sa ospital? Bakit sabi niyo sa’kin ok lang siya?!
- Tiya: Ayaw naming mag-alala ka.
- Ano ba ang nagawa ko’t ayaw niyo kaming paglapitin ng nanay ko?
16 years! 16 years kaming nagkalayo nang dahil sa inyo.
- Tiya: Walang may gusto ng pangyayari.
- Wala. Wala na siya. Wala na rin ang tatay ko.
- Tiya: Tutulungan ka naming hanapin ang tatay mo.
- Kaya niyo bang buhayin ang nanay ko?
- Tiya: Masyado kasing malihim ang nanay mo.
Haharap sa kabaong.
- Hindi ka kasi nagrereklamo sa kanilang pang-aabuso.
- Tiya: Ang alam ko may naiwan siyang sulat. Baka may detalye dun kung saan matatagpuan ang iyong ama.
- Kalimutan niyo na ang aking ama.
Ibahin niyo ako.
Hindi ko pinangarap na yumaman sa pera ng iba.
Haharap sa kabaong ng ina.
- Hindi ko pababayaan ang sarili ko.
Huwag kayong mag-alala. Hindi nila ako maaano.
4 comments:
ang lungkot naman ng kuwentong ito :(
excerpt ata dun sa play na ginagawa nila :) o isa na namang malikhang gawa ng utak nyang c bulitas :)
it pierced my heart... or should I say.. ang sakit naman. oo nga, it's so sad but touching. :)
gee.... what the...
Post a Comment