PAST BLOGS

1/22/2006

goiter

    Anong ginawa nila sa’yo?
    Anong ginawa mo sa sarili mo?


    Tiya: Walang may kasalanan.


    Kung nagtrabahao ba naman kasi kayong lahat ng matino, hindi iyon mangyayari sa kanya!


    Tiya: Desisyon niya ang lahat.


    Tungkulin, hindi desisyon.. Kinailangan niyang magtrabaho para buhayin kayo.


    Tiya: Igalang mo naman kami.


    Bigyang respeto niyo naman ang nanay ko!


    Tiya: Maniwala ka, humihinga pa siya nung sunduin ka namin sa bahay.


    Bakit kasi ayaw niyo pa akong pasamahin sa ospital? Bakit sabi niyo sa’kin ok lang siya?!


    Tiya: Ayaw naming mag-alala ka.


    Ano ba ang nagawa ko’t ayaw niyo kaming paglapitin ng nanay ko?
    16 years! 16 years kaming nagkalayo nang dahil sa inyo.


    Tiya: Walang may gusto ng pangyayari.


    Wala. Wala na siya. Wala na rin ang tatay ko.


    Tiya: Tutulungan ka naming hanapin ang tatay mo.


    Kaya niyo bang buhayin ang nanay ko?


    Tiya: Masyado kasing malihim ang nanay mo.


Haharap sa kabaong.

    Hindi ka kasi nagrereklamo sa kanilang pang-aabuso.


    Tiya: Ang alam ko may naiwan siyang sulat. Baka may detalye dun kung saan matatagpuan ang iyong ama.


    Kalimutan niyo na ang aking ama.
    Ibahin niyo ako.
    Hindi ko pinangarap na yumaman sa pera ng iba.


Haharap sa kabaong ng ina.

    Hindi ko pababayaan ang sarili ko.
    Huwag kayong mag-alala. Hindi nila ako maaano.

4 comments:

nixda said...

ang lungkot naman ng kuwentong ito :(

Anonymous said...

excerpt ata dun sa play na ginagawa nila :) o isa na namang malikhang gawa ng utak nyang c bulitas :)

vaN said...

it pierced my heart... or should I say.. ang sakit naman. oo nga, it's so sad but touching. :)

Anonymous said...

gee.... what the...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...