PAST BLOGS

6/05/2005

Ang pamahiing hindi alam ni lola

Kagabi nagalit sa akin ang lola ko.

Hinakbangan ko daw kasi siya.

Isang hakbang lang naman yun. Nakaharang kasi siya sa daan. Nakahiga na kasi siya sa banig sa sahig.

Isang hakbang lang naman, pagkatapos binanatan niya ako ng kanyang mga pabulong na litanya.

Para kasi sa kanya, masama daw ang hinahakbangan ang isang tao.

Liliit daw, may mangyayaring masama, o parang nagyayabang yung umakbang. Basta. Madaming eksplanasyon ang lola ko sa bawat pamahiin na alam niya.



Kagabi din, nagbugbugan na naman kami ng kapatid ko.

Nagsisipaan kami, nang ipaalala niya sa akin ang pamahiin tungkol sa pagsipa sa iosang tao.

Babaho daw ang taong sinisipa.

Maari. Kung may alipunga yung sumisipa. Tsaka isa pa, babaho ang tao kung hindi siya marunong maglinis ng katawan.
Pasa at sakit ng katawan ang aabutin kapag sinipa ang isang tao, hindi amoy.

Kagabi ulit, kinunan ko ng larawn ang kapatid ko habang nagpapanggap siyang tulog.

Bumangon siya bigla at sinakal ako.

Sabi daw kasi ng lola namin, kapag nilitratuhan ang isang tao habng natutulog ito, mamamatay daw ito.

Kalokohan. Lahat naman tayo mamamatay talaga. Tinawanan ko ang kapatid ko. Hanggang sa nagkakuwentuhan na kami magdamag ng mga pamahiin na alam namin.

Kinuwento ko sa kapatid ko ang isa sa pinaka-sikat na pamahiin na alam ko- yung kapag natulog ka nang basa ang buhok, maari ka daw mabaliw o lumabo ang mata. Sinabi ko sa kapatid kong hindi ako naniniwala doon. Kalokohan talaga.

Ala una.

Tuloy pa rin ang tawanan namin.

Hanggang sa bigla na lang humawak ang kapatid ko sa kanyang dibdib at sinabing di daw siya makahinga.

Nung una tinawanan ko pa siya, pero di naglaon, nakita kong di na pala biro ang nagyayari.

Nanlalamig ang mga kamay niya at paa.
Bigla na lang siyang humilata sa higaan na parang lupaypay na gulay.

Di daw siya makahinga at wala daw siyang nararamdaman.

Tinapik-tapik ko siya at pinilit na huminga.

Kung ano-ano na ang sinasabi ng kapatid ko. Kesyo mamamatay na daw siya, na tawagan ko daw ang mga magulang namin, na di na daw niya kaya, etc.

Nagkakatotoo na yata ang pamahiin.

kalokohan! Pinilit ko siyang huminga.

Huminga kami ng sabay habang pinilit ko siyang huminga at isiping mabubuuhay siya.

Mga isang oras din ang lumipas.

Di totoo ang pamahiin.

Buhay ang kapatid ko.

Nakakahinga na siya.

Mali ang pamahiin.



Wala namang masama sa pagsunod sa mga pamahiin, pero hindi lang talaga ako naniniwala sa mga ito.

Hindi ako magpapaapekto sa mga pamahiin.Hindi ito ang kokontrol sa buhay ko.

Hanggang sa...


Kaninang umaga, sinabi ng lola ko na may nagnakaw daw ng isa sa mga paborito kong T-shirt.

Kinula lang daw niya ung shirt sa taas ng bahay namin. Pagbalik niya, wala na daw.

Nasabi ko tuloy sa lola ko, "La, may hindi pa kayo nalalamang pamahiin: ang magnanakaw ng T-shirt ng iba, mamamatay sa T-shirt na ninakaw nila"


Nagulat ang lola ko. Na-morbidan na naman sa akin. Pero ano ngayon? Mamamatay at mamamatay din tayong lahat. Mauuna nga lang yung gagong nagulimbat ng aking damit.
Mamayang gabi, may masasabit sa sampayan namin sa taas. Nawa'y mahuli ang mang-uumit. Oo. Malakas ang pakiramdam ko na eepekto sa kanya ang pamahiin ko.









Ang aking kapatid

Image hosted by Photobucket.com
Ang pinaghihinalaang salarin

3 comments:

lws said...

nakakaaliw ang pagdaan ko dito ang ganda din ng layout mo.ang cute ni darna ah!

:)cheers

blog hopping

Mitch said...

nice blog! cool! ikaw ba ung nasa pic?

myk_bordz17 said...

wheeee...jajaja...kakatuwa nman yung blog mo!!!!!!!!!alam mo to ung topic ko sa research paper ko!!jaja...PAMAHIIN LABAN SA SIYENSYA kasi ung napili kong tpic...kakatuwa kc...Hmmm..pwede pihingi favor??? bigyan mo nman ako ng ibang pamahiin oh!!jejeje...im mykel pala from davao... ito ung e.ad. ko myk_ariesarmor@yahoo.com.. lamatz ah???just ant to be ur fren..Godbliz and continue ur gud deeds...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...