PAST BLOGS

3/31/2005

Pagkabuhay mula sa Pagkaanod

Hindi nalunod si Dulce.

Nandoon ako noong araw na mahulog siya sa balsa.

Nandoon ako nong araw na sinira ng bagyo ang balsang sinasakyan niya.

Sinasakyan nila.

Nakita ko may kasama siya doon.

Nakita kong umiiyak ang kasama niya nang tangayin siya ng mga alon.

Tinangay sila ng mgha alon.

Wala akong narinig kay Dulce.
Wala na akong narinig pero nakita ko siyang lumalangoy.

Pinilit niyang lumangoy pabalik sa kasama pero may nakapitan na itong trosong palutang-lutang.

Pinilit niyang lumangoy pabalik sa kasama pero malakas ang hampas ng mga alon.


Hindi nalunod si Dulce.

Nakita ko ang pagpipilit niyang lumangoy.

Pinilit ni Dulceng balikan ang kanyang kasama pero nagpatangay na ito sa alon.

Mag-isang nilangoy ni Dulce ang dagat.


Humupa ang bagyo.


Nakita kong nakahandusay si Dulce sa isang isla.

Nakita ko siyang nakahiga na puno ng buhamngin ang katawan.

Nakita ko siyang nakahiga sa isang islang may gubat.

Nakita siya ng isang usa.

Nakita niya ang usa.

Nakakita siya ng kasama.

Hindi nag-iisa si dulce.

Kahit madalas naglalaro angv usa.

Kahit madalas, di sila nagkakakitaan sa gubat, sa isla.

Alam kong alam ni Dulce na magkikita din sila.

Di na niya nasilayang muli ang dating kasama sa balsa.

Paminsan-minsa'y namamalikmata siya sa dalampasigan.

Pero wala na. Tinangay na ng alon ang kasama niya sa balsa.

Naghintay din naman siya ng sasagip sa kanya sa isla.


Maraming hayop sa gubat, sa isla.

Buhay si Dulce.

Hindi siya nalunod.

Siya'y inanod.



ang taong nalulunod, hindi titigil sa paghingi ng tulong
-tadhana

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...