PAST BLOGS

6/02/2008

langgam

sa sala ng isang kubo sa liblib na bayan ng gabaldon

!

masyado kang makasarili. hindi mo na inisip si itay.



?

para ‘to sa kapakanan ng mas nakararami.



!

tama nang nawala si inay. alam mong tatatlo na lang tayo dito.



?

hindi naman ako nagkulang sa inyo. sinasama ko kayo pero ayaw niyo ni itay.



!

sa tingin mo ba makakasama sa iyo ang tulalang si itay? magmula nang mawala si ina hind ina siya makausap ng matino.



?

hindi ba kayo umaasang makikita natin doon si inay?



!

nahihibang ka na ba? hangga’t matino pa ang pag-iisp ko, hinding-hindi mo magagwa ang mga kalokohan mo lalo na ang balak mong paghila kay itay sa bundok.



?

wala ka nang magagawa ate, nagkataong hibng din ang nanay natin eh.



!

sabi ni inay huwag daw nating ipapahamak ang ating mga sarili.



?

mas mapapangalagaan natin an gating mga sarili kapag sumunod tayo kay inay.



!

wala na siyang iniwang bakas. ano pang susundan mo?



?

sapat nang bakas ang mga iyak at sigaw ng mga pinaslang ng mga militar sa kabundukan.



!

walang lalabas sa bahay na ito!



?

nakalabas na si inay.



!

tama nang may isang lumisan.



?

nakipaglaban siya para sa atin, para sa bayan.



!

maari ka namnag makipaglaban nang hindi mo tatahakin ang landas ni ina. huwag mo kaming iwan.



?

lagi ko kayong kasama sa mga ipinaglalaban ko.



!

samahan mo na lang kami dito



?

alagaan mo si itay.



lalabas ng pinto dala ang bag

1 comment:

aaronjames said...

i do not know if naintindihan ko. haaay. sabi mo nga lagi, faith over fear. tsaka pakatatag lang lagi. may dahilan ang lahat ng nangyayari. ang mahalaga, dapat matuto ka lalo na sa mga hindi magagandang sitwasyon para hindi na ulitin pang muli.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...