nakakakabag ang alimuom sa freedom park. ikaw na ang makalanghap ng hininga ng lupang nabilad sa nangungurot na araw matapos itong mapaliguan ng ulan. basa ka na nga ng ulan na pumasok sa klase, basa ka pa ng pawis paglabas. kung bakit ba kasi di maipaliwanag ang panahon sa elbi.
ikaw na ang mawalan ng panahong makaligo. meeting sa abs staff ng umaga, type ng letters at spiels bago mag-tanghali, magpapaalam sa mga estudyante sa klase, meeting sa cable operator manager sponsor, meeting sa mga traders ng fair, klase ng alas kwatro, meeting sa orgmates ng 530, meeting sa opisina para sa updates at pagplaplano sa fair, gagawa ng poster at teasers (na malalaman mo na lang, ire-reject pala ng staff ng network), tapos may magtatampo pa sa'yong girlfriend, tapos magdi-dinner kayo na parang di kayo magkakilala (pero magkasama kayo), tapos uuwi kayo ng sabay, tapos dadaan sa ministop para bumili ng cichirya habang pinag-uusapan niyo kung mag-aaral ba kayo o magpapahinga na lang muna, tapos mag-iinternet para burahin yung pinublish na poster sa isang site, tapos matatagalan ng kaunti kasi magba-blog pa, tapos mababawasan yung kaunting perang natitira para maka-survive hanggang biyernes, tapos magtatampo yung girlfirend, tapos manonood sandali ng tv, tapos matutulog, tapos.
15 comments:
tapos pupunta sa CR at magdadrama habang nilalabas ang sama ng loob sa toilet..tama ba?.. hhehehehe..
true!!..nung nagreresearch kami sa UPLB 2 yrs ago e kahit umuulan e sobrang init ng feeling.. sobra talaga ang humidity jan... bute nalang dun sa may marymount e ok lang.. hehehehe
Parang kwento rin ng buhay ko yan ah, i-minus lang yung late afternoon meetings and the park scene, tapos ipalit yung mga tambay sa AS Walk tsaka sa radio room, and yung mga EDs with org friends.
Iba talaga ang buhay sa UP.
Owwts! Tampuhan? Good Luck! Wow andam"ing" nangyar"ing" interest"ing"(...ing...ing...ing...napansin mo?) sayo yesterday. Sabi nga namin ng mag freinds ko "It's OK, It's Alright, She still love you yeah yeah yeaaah!
Kaya mo yan!
P.S - Uber Thank you for letting me use your shoooooots! Galing mo! Salamat talaga! Apir~
Aja!
... tapos mananaginipan si madam auring na nagniniig kayo tapos magwewet dreams tapos...
tapos ang buhay mo kapag ganun!!!
hala! punong- puno ng tampuhan, ah! nakaramdam ako ng pagod habang binabasa ko ang post mo kasi parang super haggard ka! =)
ikaw na, ikaw na ang taong busy hehehe kaya mo yan. lahat naman tayo ay ngarag sa panahong ito, kanya kanyang kinabibisihan.
Hiningal ako sa pagbasa nun ah. Hehe
haggardness! pa-fresh ka muna!
@chino: magulo ang panahon sa elbi. sala sa nit, sala sa lamig.
@mike: hay, buhay UP. =)
@l.a. walang anuman. =)
@billycoy:wah! walang ganun! shet!
@sherma: nakaka-haggard talaga ang mag anangyayari sa aking kabuhayan lately. haha.
@silangan: salamat. wala akong karapatang sumuko eh. hehe. kaya natin to! apir!
@darwin: whew.
@virginia: wah. sana me tym. haha
garabe.
nakakapagod yun ah.
whew.
buti naman at buhay ka pa?
go go go
aw.
NAKAKAPAGOD Naman yan! Grabe pala college, eh ngayong hyskul nga lang - hirap na ko! :))
hirap na.. maging gwapo!
WAHAHAHA.
;) gudlak na lang.
oo, asar ako sa mga girlfriend na mahilig magtampo, tapos matatapat pa na yamot na yamot ka sa gawain! grabe, dagdag lang sa problema.
hihih!
WAW. Lupet ng piktyur!
Hmmm. Ganyan pala sa LB.
Toxic ba buhay-college? Pero okay naman, di ba? Kayang-kaya naman ang mga meeting, klase at girlfriend?
Anyway, good luck. Haha.
@ xienah: kaya pa namn.
@moses: oo nga. ang hirap talaga. haha.
@pot: wah! pic saan?
@ tea: well, glimpse lang to ng mga maraming buhay ng mga tao s aelbi. sabi nga, ikaw namn ang gagawa at magmo-mold ng buhay mo sa elbi
dang busy mo naman tsong!
parang pwede ka na talagang pang politika! ay teka ikaw ba yun... ay sorry wrong web site!
hehe joke! peace!
Post a Comment