PAST BLOGS

2/07/2006

becoming a hero

akala ko noon magtatapos na sa anime ang mga kamukha ko.
noong una kamukha ko daw yung batang gohan, tapos naging kamukha ko naman si nobita ng doraemon, tapos si detective conan, marahil dahil nakasalamin pa'ko ng makapal noon, pero nang sumiklab ang mga chino/korea-novela hype, mas marami akong naging kamukha.

nang unang lumabas ang F4, sabi nila kahawig ko daw si vaness, tapos naging si shing-ha (yung bestfriend ni san-cai), tapos kung sino-sino pang mga singkit na artista ang sinasabi nilang kamukha ko.
siyempre sa una ok lang, alam ko naman sa sarili ko na hindi ko naman talaga kamukha ang mga ihinahalintulad nila sa'kin, pero habang dumadami ang nagsasabi sa'kin na kamukha ko ang isang tao o bagay, naiirita ako.

aba, kumusta naman ang pagiging hawig ko daw kay carlos agassi at erik santos?! wahhh! panginoon, akala ko ako lang ang may malabong mata, e bakit mukhang umabot na ng 3,000 ang grado ng mga mata ng mga tao sa paligid ko?!
aaahhh! hindi naman ako nagkulang sa paligo!
nagkukuskos naman ako ng maigi kapag naliligo ako.
ewan. hindi na masyadong nakakatuwa.

siyempre, dumating din sa point na napagod din ang mga tao sa kaka-compare kung kamukha ko ba si ganito o si ganun.
pero huwag ka, may bago na namang pinagkakaaliwan ang mga tao sa paligid ko.
may bago na akong kamukha.
hindi siya ordinaryo.
malakas siya.
isa siyang bayani.
si manny.

nagulat naman ako.
pagkasabi nung kung sino mang ulikba na yun na kamukha ko daw si manny pacquiao, nagsimulang nang mag-react ang mga tao sa paligid ko,

"ay! oo nga ano?!" "uy! tignan mo, kamukha niya si manny!"

wah! kumusta naman ako?!

pag-uwi ko, dagli akong humarap sa salamin at tinitigan ang nakikita kong reflection.

totoo ka ba?

bakit sabi nila kamukha mo si manny?!

bahala sila. bayani naman si manny. ok lang.
at least kapag nakikita anila ako, naiisip nila ang tagumpay na hinatid sa bansa ni ginoong pacquiao.

sabi nga nung friend ko,
mas gugustuhin ko pa ngang maging kamukha si jolina kaysa kay roxy!
nang tanungin namin kung bakit, ang tangung nasabi niya:
at least si jolina sikat!

at least sikat si manong manny.

kahit papaano, nararamdaman ko on a small scale ang pagiging bayani ni manny!

tutugtog ang kanta ni many.

"para sa'yo, ang laban na 'to! para sa'yo..."




4 comments:

jho said...

haha! manny pacquiao! idol! =P

Talamasca said...

Uh huh. How could a person look like so many people? Galing ha, to think na iba't ibang faces and races ang kinukumpara sa yo. You must be a shape shifter of some sort? Or you have a very elastic skin? Weird and freaky. Anyway, funny entry. Thanks for the laugh.

Anonymous said...

waheheheheeheh!!!! wala lang! pano naging bayani si manny aber?? uhmmn big mong sabihin kamukha din ni manny si vaness? si carlos agassi at si eric santos?? wahehehehehehehehehe!! natatawa ko :)

rica said...

willie nepomuceno ikaw ba yan? hahaha... kanya-kanya talagang trip ang mga tao, pag inihalintulad ka sa isang pangit na mukha, sabihin mo sa kanya, "ang kyut naman ng pwet na ito nakakapagsalita..."

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...