PAST BLOGS

5/13/2014

mula na naman kay lali (tagos puso, para s kaibigan)

Sa Aking Kaibigan

Kailangan kong iyong maunawaan
na naririnig ko ang bawat mong kalungkutan
na sa bawat paghihirap, handa kang tulungan
dalhin mo ako kung saan maaaring magpahinga
itong aking pagal na katawan.

Nais kong pagsabihan ng iyong suliranin
ng iyong bawat inaasam, ng iyong bawat mithiin
ako ay kabahagi ng iyong bawat kalungkutan
ako ay karamay sa bawat awitin ng kaligayahan
'pagkat alam kong sa buhay takot iyong tangan.

Hinihintay kong tulungan ka ay iyong hayaan
ipahayag ang sa puso mo'y mga nananahan
upang pag-ibig ako rin ay iyong maturuan
'pagkat akong minsang tinuring mong kaibigan
sa 'yo mistulang multong aking kaisampalad
kaibigan sa kabila ng pasakit na iyong pinalipad.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...