PAST BLOGS

1/19/2009

blog.bow.



minsan may nakapagsabi sa akin na ang mga bloggers daw ay walang social life, low-life at emo. bakit daw ba ako blog ng blog eh wala naman akong napapala dito. noong una naisip kong depensahan ang sarili ko at kapwa mga bloggers ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. naisip ko, mas mabuti siguro kung mapapabulaanan ko yung mga sinabi niya ayon sa aking pamumuhay. meron akong saganang social life, di ako papayag na matawag na low-life at lalong hindi naman ako emo (pasintabi sa mga kapatid nayting emo diyan, wala akong galit sa inyo).

certified senior bloggista na daw ako ayon kay walong bote. matatawag na bang senior ang ilang taon na pagba-blog? hehe. pakiramdam ko kasi sa bawat araw na magba-blog ako eh bagong tao ako, bagong nilalang, bata, at sadyang hilaw. nagsimula akong magsulat sa blog nung una itong ipakilala sa akin ng kaibigan kong si apeng. mula noon, naaliw na ako sa pagsusulat at paglalathala ng kung ano-ano sa internet. sa nagdaang mga taon, nakita ko kung gaano kalaki at kalawak ang kapangyarihan ng pagba-blog. bukod sa pagiging isa sa mga bagay na nakakapagpakalma sa akin, nakakatulong din ng malaki ang pagba-blog para maibahagi ko sa maraming mga tao ang aking mga saloobin, mga naiisip, at mga likha. sa pagba-blog ko din nakilala ang maraming mga taong naging malapit ko nang kaibigan ngayon.

nakatulong ang pagba-blog sa akin upang lalo ko pang mapalawak ang aking kaalaman. nakatulong din ito ng malaki sa pagkilala at sa paghubog ng aking sarili.
ang kapwa blooger na si walong bote ay may inilunsad na kampanya- “a tribute campaign: certified senior bloggista” para sa mga di umano’y matagal nang nagba-blog. sali kayong lahat sa kampanya. matatagpuan ang mga paraan ng pagsali sa pahinang ito ni walongbote. (i-click ang pangalan niya.)

11 comments:

mimi said...

matagal nako sumusubaybay sa blog mo.. salamat sa pagbahagi nito.. at sa ibang binahagi mo dito..

Mugen said...

Ilang linggo na lang at anim na taon na ako sa blogging. Tatandaan ko itong entry na ito at ito ang magiging entry ko sa aking ika-anim na taon.

Kevin said...

Ako man! Masugid akong tagasubaybay dito sa iyong blog, at nais ko lang sabihin na karapat-dapat talaga ang badge na iyan para sa iyo, idol!

At kailan ka babalik dito ha? :P

Curbside Puppet said...

i agree irvin. matanda ka nga talaga. hehehe.

manilenya said...

talaga namang senior blagista ka na ha! :) apir pre!

wanderingcommuter said...

congrats!

jeniffer said...

-this is also the reason I write. Masaya kasi yung feeling na naisusulat mo yung mga bagay na di mo masabi, and yung alam mo this is the only way to let your self be heard. O kahit di man nila ito marinig, well atleast nailabas mo yung saloobin mo. We don't need a lot of comments in our blog, kung hindi rin naman nila naiintindihan yung opinion mo.. ang totoo nyan, di naman natin sila pinipilit paniwalain sa mga bagay na alam natin ay tama.. magkakaiba man tayo ng opinyon, pero iisa lang ang rason kung bakit nagtagal tayo sa blogworld.

Una, kasi gusto natin ang ginagawa natin at nageenjoy tayo d2. This is the purpose of this campaign, yung eencourage ang mga tao na magblog.. because this is an outlet to express your thoughts. Hindi xa pagyayabang na "yeah! SENIOR BLOGGER" ako.. meaning, mas magaling ako sayo! hindi ganun ang ibig sabihin nito.. the campaign is a tribute to all the senior bloggers who influences you.. and to encourage more people to blog.

Thank you for joining. Let this campaign be heard by all bloggers. Help me to spread this by placing the badge on the side bar. Thank you again and you are certified senior bloggista.! -jen

lucas said...

senior citizen ka na pala dito..hehe! dapat may mga incentives at benefits ka na rin! hehe!

ang sarap kayang mag-blog. hehe! :)

keep writing :)

bulitas said...

@mimi: pinataba mo naman ang puso ko. salamat din sa pagsubabay. =)

@mugen: wow! super senior bloggista ka na pala! congrats!1

@kevin: mamaya!
hehe

@curbside puppet: oi hindi rin. haha

@manilenya: apir mare! mas senior ka sakin =p

@wanderingcommuter: salamats!

@jen: salamats din jen sa proyekto mong ito! woohoo! mabuhay ka!

@lucas: haha. benefits? err, more hits? lol
tama ka jan, sarap mag-blog kaya blog lang ng blog!

aLps said...

Siguro stereotype na introvert ang bloggers kasi they can only express something through writing and not through FTF communication.



Anyway, that's false. Lahlahlah.
Hehe. NaLink na kita! LD

bulitas said...

@Alps: hehe. apir!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...