PAST BLOGS

1/19/2008

subway

malaya kang makapipili ng upuan
kung saan kakindatan mo ang mga ilaw
na sumisilip sa bintana sa bawat kisapmata

malaya kang makakapag-isip
kung saan kakampi mo ang hangin
na tumatakip sa iyong tenga
mula sa sigawan sa lupa

malaya kang makakakaway sa kawalan
kung saan kaangkas mo ang daan-daang kaluluwa
sa libingang umaandar at nangangakong
maghahatid sa inaasam na hantungan

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...