Tauhan:
Naj: dating modelo, nasa edad 30s, kagagaling lang sa aksidente, putol ang kaliwang hita, sunog ang katawan at mukha, naka-suot ng spaghetti na damit at maikling palda na nagpapakita ng hita. Naka-saklay
Richard: photographer, mid-20s, naka-suot photographer. (naka-vest, jeans)
Setting:
Hapon, mga 4pm, sa hotel room ni Naj. May makikitang stool sa kaliwang bahagi ng stage. Tripod sa kanang bahagi, opposite ng stool. May makikita ding sofa sa kanan, malapit sa stool. Sa itaas ng sofa, may nakasabit na malaking larawan/painting ng tao na may takip na strip ang mga mata. Sa ibabaw ng sofa may salamin (hand mirror).
Pagbukas ng Ilaw:
Makikitang naka blindfold si Richard. Inaalalayan siya ni Naj kahit na nakasaklay lang ito. Makikitang iiwan ni Naj si Richard sa tapat ng tripod. Maglalakad si Naj papuntang sofa at may kukuhaning papel.
Richard: Naj, kasama ba talaga ‘to?
Naj: Just be patient. (babasahin ang papel na hawak)
This certifies that Mr. Richard Geronimo got the exclusive contract of taking the picture of Najeline Modeling Agency’s latest model. Yada, yada, yada. This contract binds the photographer and the agency of an agreement that the model will be placed in the centerfold of the next issue of Elan magazine. Signed, Mr Richard Geronimo, the official photographer, and Ms. Najeline Pascual, Head, Najeline Modeling Agency.
Ricahard: (mapapangiti.) Alam ko na yan. We’ve been through this a couple of times already. Alam mo namang ayoko nang nabibitin. Matagl na rin akong hindi nakakakuha ng pictures.
Naj: I promise, hindi ka mabibitin sa makukuha mo. And besides, do you think I will risk that high amount of money for nothing?
(Lalapit kay Richard, sa may tenga magsasalita,)
(hihinto sandali) I have the eye for outstanding subjects.
Richard: (akmang tatanggalin ang blindfold)
Then let my eyes see the priced subject! Aba! Nakakapagod pumunta dito sa hotel room mo! Kung bakit ba naman kasi biglaan ang pagdating ng project na ito?
Naj: (Pipigilan si Richard)
Richard, Remember the virtue of patience. (Mag-aayos ng sarili si Naj. Magpo-pose, lalakad papuntang stool) Tatanggalin mo lang yan when I tell you to do so. (Magpo-pose muli) (Hihinto)
Richard, remember the shots we used to do way back before the accident?
Richard: Which shots? Ah! (excited ang tono) Yung mga sunod-sunod na napapasama sa centerfold! Oo naman, that paved way for the peak of my carreer! Salamat sa ganda mo. (hinto) I mean, you are one interesting subject na nagustuhan hindi lang ng camera, kundi pati ng mga tao.
Naj: (mahinhing matatawa) Haha. Really? I’m sure hindi ka na maninibago sa subject mo ngayon. (Mag-aayos ng sarili) Ok, you may now remove the blindfold.
Richard: (mapapakamot sa ulo, mapapangiti. magtataka) So, what’s up? Asa’n ang bagong model? Where’s the priced subject ? (lilingon-lingon. tititig kay Naj)
Naj: (Nakangiti, naka-pose) (patlang) Where are you looking at?
Richard: Don’t tell me… (kunwari kakapain ang mga mata) I thought I’ve already removed my blindfold?
Naj: Astig ka ha! You never forgot to bring humor with you.
Richard: Ikaw talaga, puro ka surprises. (mapapangiti)
Naj: Para namang hindi mo ako kilala. Bestfriend ko na ang camera since birth.
Richard: You don’t really mean that you will be my subject, do you?
Naj: Am I not interesting enough? (magpo-project)
Richard: (mapapailing) I mean, Naj, Please don’t play around.
Naj: You signed the contract!
Richard: But I never thought…
Naj: You never thought of me as a potential subject?
Richard: No. I never thought that you would want to objectify yourself.
Naj: Pardon? I am a subject in front of you.
Richard: Objects ang hanap ng centerfold.
Naj: Subjective object, an object of art.
Richard: Kailanman hindi naging objective ang art.
Naj: Are pictures not art?
Richard: Not all pictures are art.
Naj: Hindi ba sabi mo sa’kin dati I’m a work of art? (ii-spread ang mga braso na parang si oble)
Richard: You were a subject of art then.
Naj: Please, Richard, I’m tired of those excuses.
Richard: Art was never intended to objectify.
Naj: Didn’t you objectify me once? (ituturo ang magazine sa sofa.)
Richard: (mapapatingin sa magazine) It was not for art’s sake.
Naj: Akala ko noon ifframe mo na ako ng tuluyan.
Pero bigla kang nawala. Para kang flash ng camera kung dumating sa
buhay ko. Patay sindi. Darating ka lang kung kailan mo gusto.
Richard: Maraming mga bagay na nangyayari ang hindi sinasadya.
Maraming opportunities ang dumating.
Naj: Sa tingin mo ginusto ko ‘to? (ipapamukha ang kapansanan)
Richard: Hindi lahat ng pictures nailalagay sa frame.
Naj: I thought I was already frame-worthy!
Richard: Hindi lahat ng pictures pwedeng ilagay sa centerfold.
Naj: In this case, pwede na. We had a deal. A contract.
Richard: A blind agreement! Malabo ang gusto mong mangyari.
Naj: (kukunin ang celphone sa bulsa, tatawagan ang boss ni Richard) Hello, this is Ms. Naj Pascual, Mr. Chua, it appears to me that your prime photographer is backing out on the job.
Richard: (tatakbo papunta sa stool, kay Naj, aagawin ang telepono) Wait!
Naj: (patuloy sa pagsasalita) So, will I just be hiring another company’s photographer for the shoot?
(maagaw ni Richard ang telepono, papatayin ito)
Richard: Please don’t do this. Mahirap kalabanin ang nagpapakain sa’yo. Pasensiya. Stand by ka lang. (pupunta si Richard sa tripod. Aayusin ang camera. Kukunan na ng litrato si Naj)
Naj: (magpo-pose) I’m ready.
Richard: Teka. Hindi ka na kumokonekta sa mga lente.
Naj: Kailan pa naging pihikan ang mga lente?
Basics lang yan. You can change the camera’s setting, adjust the light meter, the aperture, ISO at focus- ikaw na rin ang nagsabi sa'kin nun.
Richard: Ang audience ang pihikan. (aayusin na ang camera)
Yung mga naghahanap ng objects, objects of their desires.
Naj: They loved me once, I’m pretty sure they will still accept me now.
Richard: Minahal lang nila ang object na ikaw.
Naj: Mamahalin nila kahit subjective na ako.
Richard: You adjust to their preference.
Naj: But you also adjust for your needs. (mapapangiti)
Richard: (mapipilitan) O sige, strike a pose. (hindi gagalaw si Naj) Lean 35 degrees to the right. Konting adjust pa. (mapapailing si Richard)
Naj: Wala akong dapat ayusin.
Richard: Tumingin ka kaya muna sa salamin. (ibibigay ni Richard ang salamin na nasa sofa kay Naj)
Naj: Hindi ko kailangan ng salamin. (ihahagis ang salamin pagkabigay ni Richard, mababasag ang salamin)
Naj: Sabi mo nga, I know myself better.
Richard: Akala ko ba gusto mo ng pang-centerfold.
Naj: I trust you, you know my angles.
Richard: Please, I'm just asking you to do your part.
Naj: There’s nothing left to do.
Richard: (iaayos ang camera. sisipatin si Naj sa lens, aayusin ang focus etc)
(hindi gagalaw sa pose si Naj)
Naj: (taas noong magpo-pose) Ganito ang gusto ko.
Richard: O sige, just turn your face a little to the right. Medyo taas pa ng noo.
(Hindi pa rin gagalaw si Naj) (mukhang naiirita na si Richard, magpupunas ng pawis sa noo)
Naj: (hindi pa rin gagalaw)
Modelo ako.
Richard: Photographer ako. Hawak ko ang camera.
Naj: Ako ang subject. Ikaw na lang ang hinihintay ko.
Richard: (buntong hininga. titingin sa camera.) Ready. 1, 2, 3!
(magfflash ang camera) (pagkatapos mag-flash, tatayo si Naj mula sa stool papunta kay Richard)
Richard: Wait, How about another shot? Naj!
(makikitang pipiliting maglakad ni Naj papunta sa tripod, malapit kay Richard, tapos kukunin ang camera mula sa tripod)
Naj: Bakit out of focus?
Richard: Sorry. I did what I can. Ikaw na mismo ang nagtanggal sa sarili mo sa focus. Medyo gumalaw ka kanina sa stool habang naka-pose ka.
Naj: Sometimes, the problem is not with the camera, it's with your focus. (patlang)
Richard: Madalas, kahit anong focus ang gawin mo, may mga subjects talaga na hindi nagfifit sa frame ng camera.
Naj: Depende sa mga mata ng kumukuha ang kalalabasan ng subject. (titingin sa mga mata ni Richard)
Richard: Naj, hindi na makakatayo ang tripod na naputulan ng isang leg.
Mahirap nang ipilit sa mga frames ng litrato ang nakaraan. (patlang)
Tatanggapin ko na ang pagkasibak ko sa trabaho. Wala na’kog magagawa sa mga kuha na gusto mo.
Naj: (patlang) (tititig kay Richard, ihahawak sa balikat ang isang braso)
Can’t you see? I’ve set this up para mabigyan kang muli ng break. Para magbalik yung dati. Remember? Nung ikaw yung photographer ko, then ako yung subject mo? Nung lagi ako sa centerfold? Gusto kong ibalik ang dati. (magmamakaawa kay Richard)
Richard: Hindi ka naman picture. Sabi mo nga modelo ka. Pwede kang gumalaw.
Naj: Nabubuhay ako sa mga litrato. Alam mo yun.
Richard: Hindi isang litrato ang buhay.
Naj: Sino nang kukuha ng mga pictures ko?
Richard: Maraming photographers.
Naj: But you know my best angles.
Richard: You know yourself better, Naj.(ilalayo ang kamay ni Naj sa sarili. Akmang iaayos ang mga gamit)
Naj: Richard, please. Sige, papayag na’ko. Another shot. (patlang) Please. Please don’t leave now.
Richard: I can’t take it. I don’t want them to see you in the centerfold like that! (pasigaw)
Naj: Bakit? Dahil ba sa itsura ko? What’s with the fear? I paid the publication ten times the prize just to be in the centerfold!
Richard: They have no idea of the centerfold object! (tatalikod kay Naj)
Naj: Centerfold subject!
Richard: (haharap kay Naj)
Of all people, you should be the one who better understands the situation.
Pag nakita nila yung mga pictures mo, maaring i-turn down nila ang contract! Masasaktan ka lang!
Naj: I can still double the payment, or even triple it, if that’s what they want. Basta ang gusto ko lang, magkaroon ng magandang subject ang centerfold.
Richard: Naj, hindi ka na maganda! (patlang) Tignan mo nga ang sarili mo! (tatahimik ang dalawa)
Naj: (makikitang nagulat sa sinabi ni Richard) Akala ko ba subjective ang art na sinasabi mo? Akala ko ba isa akong subject? Akala ko ba minahal mo ako?
Richard:(hahampasin ni naj ng saklay sa may batok si Richard. Mawawalan ito ng malay. Pupulutin ni Naj ang mga nakakalat na piraso ng bubog ng nabasag na salamin. Iutusok niya ito sa mga mata ni Richard)
Naj: Walang saysay ang mga matang hindi marunong makakita ng kagandahan. At mas lalong walang saysay ang mga mata ng photographer na hindi marunong tumingin ng subject.
Ang tao nakakalakad kahit walang paa, ang tripod hindi.
Para sa lens camera, kahit magka-lamat man ito,
lahat ng nakikita niya, subject.
Di tulad ng mga mata mo, parehong malinaw, but were easily blinded by the flashes of fame and fortune.
Naj: Sorry Richard, pero wala ring pinagkaiba kung naka-blindfold ka o hindi.
(ilalagay ang blindfold sa mga mata ni Richard, iuupo si Richard sa sofa at ihaharap sa may stool kung saan siya uupo)
Manood ka.
Makikitang aayusin ni Naj ang camera sa tripod. Iseset-up tapos lalakad siyang muli papunta sa stool tapos magpo-pose.
Mag fflash ang camera.
Patay ang Ilaw
____________
copyrighted script
12 comments:
kudos.
nice, lupet... ang galing talaga, hanga ako!
parang may kakaibang magnet sa kwento. ako'y namagnet ito. at binasa ko ito hanggang katapusan.
kung maging successful akong independent film-maker. gagawan ko ito ng pelikula.
ASTIG TALAGA!!!!
Nice, very nice.
I read it from beginning to end. Tama si Bawang, nakaka-magnet nga ang sinulat mong ito.
Kudos!
this was on retorika, wasn't it? :D
question mark rocks. :D
(what's with the very long comment above? Errgh)
That really moved me, bulitas. Wapaang!
I LOVE THIS POST! I mean, the script.
Sad to say pero parang ako si Richard na hindi marunong makakita ng kagandahan ng isang tao.
Pero in the first place, bakit ko naman ilalagay ang isang 'Naj' sa centerfold!? Not to hurt her feelings pero diba!?!?! Magazine yun. Masasaktan lang siya kapag lalaitin siya ng tao.
Nice play, pare. It moved all of us 'round here!!!
Post more scripts!! Wooot!
(hey, remove that long anonymous comment. kung anu-ano ang pinagsasasabi!)
Ok that 3rd commentator above was talking shit. Like, OMG! Way too out of topic.
And the script? Get that published, will ya? Not in this blog, but formally and all that shit, coz it's amazing! 'Ayt?
Ok that 3rd commentator above was talking shit. Like, OMG! Way too out of topic.
And the script? Get that published, will ya? Not in this blog, but formally and all that shit, coz it's amazing! 'Ayt?
Ok that 3rd commentator above was talking shit. Like, OMG! Way too out of topic.
And the script? Get that published, will ya? Not in this blog, but formally and all that shit, coz it's amazing! 'Ayt?
hehehe.. ang angas ng script. T_T love it.. :P
Post a Comment