ayaw mong pinag-aantay ko sila
pero pinaghihintay mo ako ng madalas.
nandito lang ako. maghihintay, hanggang magtugma ang ating mga bituwin at maging konstelasyon sa kalawakan.
nadito lang ako, mag-aabang sa araw ng pagtatagpo ng mga guhit ng ating mga palad. nandito lang ako, maghihintay hanggang sa makita mo akong naghihintay sa iyong muling paglingon.
you are my sweetest downfall.
12 comments:
ang galing non a. napaisip ako
sanay na akong maghintay sa kanila
kahit alam kong hindi naman nila ako
hinihintay.
lagi akong nandirito't naroon. nag-iisa. hanggang maging semento ang mga dura sa kalsadang makasalanan. lagi akong nandirito't naroon. mananatiling mag-isa. mag-iisa na lamang tatahak sa nababasa ng hinaharap sa aking palad. nandito ako at babalik doon. hindi na magtyatyagang ako'y muling pagtatwaan at pagkatuwaan.
so sue me.
dakila ang iyong pagmamahal, ang swerte ng hinihintay mo :)
waw. isang imahe ng taong nagmamahal
huwaw..nagiging makata nga naman kapag inlab ;)
Sweetest downfall talaga sila...
"You are my sweetest downfall"
I know where that line came from. Juice knows it best. She loves that song. I do too.
Dapat sinama mo rin yung line na:
"I loved you first"
idol na talaga kita..
ang astig kasi e
Inlababo ka noh! Haha! :P
may relo ka ba? baka malipasan ka ng panahon ... delikado yan! paano naman kung may ibang naghihintay din sa iyo, hmmmm? wawa naman siya! heheh
vile glück sa paghihintay mo ;)
bakit mo sya hinihintay? ikaw na kaya ang sumundo sa kanya...
ako ilang taon na akong naghihintay... bakit ganun wala pa rin yung inorder kong pizza?
Post a Comment