kanina nangulimbat ako ng magandang plato sa greenwich di ka naman kumukuha ng plato sa restoran araw araw masaya ka naman kahit sobrang busog ka sa kinain niyong spaghetti yum burger tsaka hawaiian solo na pizza masaya ako kasi kasama ko ang mahal ko nitong nakaraan magulo hindi malapot malapot malabnaw at malabo ang isip ko na nakukuwestiyon pa nga kung anong meron sa mind frame ko na imoral na daw ang mga nililikha kong karakter sa utak ko na naisip ko hindi naman siguro kakaisip ko kung paano ako lilikha ng mundong paniniwalaan ko at paniniwalaan ng aking titser ay sumagi sa akin na mayroon pala akong criminal tendencies oo morbid imoral at walang puso na ang mga naiisip kong istorya naiinis ako kasi alam ko naman ang mga dapat kong gawin pero di ko magawa ayan kailangan ko na tuloy isipin kunmg gagradweyt ba ako sa tamang oras kahit na alam ko namang makakapagtrabaho ako kahit na di ako nakakuha ng diploma iniisip ko pa rin ang magiging reaksyon ng nanay kong umaasa sa akin na pag aaralin ko ang aking kapatid isa pa inaalala ko rin na baka magwala ang tatay ko nga pala nakakatuwang tinext ako ni itay noong nakaraang araw ng kumusta ka anak habang naglalakad akong tuliro sa kalye noong isang araw windang kakaisip kung papaano sisimulan ang kwento ang kwento ng aking unti unting nasisirang buhay na hindi ko na napagtutuunan ng pansin dahil sa sobrang dami ng aking ginagawa angb tanga ko kasi ang bdami kong tinatanggap na trabaho ayan pati lablayp napapabayaan na kaya naman naisip ko nitong nakaraan na hindi kailanman naging trivial ang mga teeny bopper moments sa isang relasyon ang pagiging mushy at romantic ay mahalaga para sa ikalalago ng samahan nalaman ko rin nhabang nakatulala ako sa mga kumikindat na mga bituwin sa freedom park isang gabi na isa sa mga pinakamahirap na saguting tanong sa mundo ay ang tanungin ka ng minamahal mo ng hanggang kailan mo ba ako balak paghintayin hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nais kaming paghiwalayin hindi ko maintindihan kung bakit ang tindi ng galit niya sa akin sino nga naman ba ako sabi nga niya minsan isa lang akong speck ng dust sa universe pro bakit pinakikialaman niya ang buhay ko masaya na kaya siya na napaghiwalay niya kami ewan ko sa kanya sana masaya na rin siya na napasok na niya ang isipan ko na sasabog na ang isip ko kakaisip sa kung ano ang kahihinatnan ng buhay ko kapag binigyan niya ako ng grade na singko hindi ko alam kung pano ko aayusin ang buhay ko ngayon pero masaya na ako dahil muli kong nakasabay kumain sa jollibee at greenwich ang mahal ko masaya ako kasi kahit papaano nagkaintindihan na kami at maglalasing na lang mamaya makabili kaya ng isang bote ng grande para ayus na ayus habang gum,agawa ako ng script salamat na lamang at may mga kaibigang handang dumamay mga kaibigang di mo inaasahang magbibigay ng comfort sayo kahit na ilang araw ka nang walang matinong tulog kakaisip ng kung ano ano at kakalabas ng luha para mabawasan ang bigat ng dinadala mabigat ang sem na ito iniisip ko nga na dapat walang regrets pero madami nyata akong regrets sa mga desisyong nagawa ko hindi yata dapat writing ang kinuha kong major ewan bahala na pumasa man ma extend o kung anuman ang mangyari sa buhay ko haharapin ko na lang ito haha hehe hihi ang ganda ng nakuha kong plato sa greenwich makagawa na nga ng script ipagdasal niyo ako sana pumasa ako naisip ko kanina lang na di ako dapat panghinaan ng loob hay marami akong mga tao na gustong makita makakuwentuhan at makasama singit lang last na not all those who wander are lost sabi ni jrr tolkien sa the lord of the rings
11 comments:
whew. kapagod. pero worth reading.
naku pakaayos ka bulits hahahaha...nalilito ako dahil nahirapan ako basahin dahil nagpaulit ulit ang basa ko dahil nawawala ako sa linya.... anyway ahehe good luck sayo!
Napadaan lang ulit.
Nainggit ako, gusto ko rin ng platyo. MInsan nga magawa rin yan, just for the experience. Minsan lang kinukunsensya ako.
hmmmm....ano ba talaga kuya? hihi. ok lang yan. explore kalang at makakkita ka ng taong para sayo. :) kuya jules
Nagawa na namin ng classmates ko from HS yang pangungulimbat ng plato. Sa chowking naman kami. Kinumpleto na ata namin yung set nila... hehehe
isang mahabang sentence lang ba yun? parang hindi pa nga ata tapos ah.
ang gulo!
:) pero worth reading.
sadya bang walang punctuations ang post na ito...? hindi ako sanay...
another first in Bulitas blog history.
okay lang yan... basta isipin mo nalang... at least you gained something... experience... tsaka mo na gawin sa titser mo ang mga morbid na iniisip mo pagkagraduate mo na... hehe.
missed reading your posts...
apir. >>pak!<<
New blogging trend? O_o
Hehe.
@ kiro: uu inaaus na.
@jeeper. salamat s apagdaan. oo naman nakakaunsensiya, pero aliw. try mo minsan.
@kuya jules: tnx
@ drew: hehe. talaga? aliw diba?
@ gary: d pa nga tapos
@ kevin: oo magulo ako
@ isaac: hehe. salamat sa pagdaan.
morbid? haha. di namna ako morbid ah?
@tala: la lang magawa. hay. apir!
hmmmnn...pareho kayo ni keno? walang ring punctuations ung post nia nung oct 18. assignment ba? natutunan nio sa workshop? o coincidence lang? whatever.
dati natry ko magsulat ng walang post at walang space. mahirap. masikip. parang di ako makahinga. dahil na rin sa kawala ng pagtigil.
baka isa ako sa nakapagpalito sayo. pasensya na. pero naniniwala ako sa galing mo. you can do it bro. pero tandaan pa rin. tanggapin mo lang ung kayang mong gawin. para me oras ka pa sa ibang dapat isipin.
not all those who wander are lost! nice quote.
Post a Comment