PAST BLOGS

9/23/2006

para kay kel

nung gabing maka-chat ko si apeng, idinaan ko na lang sa mga smileys yung mga pagsesenti niya.
nang sabihin niyang naiiyak siya at nagsisisi dahil "iniwan" daw niya tayo,
mabilis na naipon ang luha sa gilid ng aking mga mata.

iparating ko daw sa'yo kung gaano niya pinahahalagahan yung pagkakaibigan natin.

ang drama.

parang namang di pa ako sanay sa drama.

kunsabagay, hindi naman talaga naglalabas ng ka-dramahan si apeng.
nito na lang nakaraan, sa chat at sa blog ko siya nakikitang naglalabas ng drama sa buhay.
pareho kayo.
bihirang humingi ng tulong sa paglilinis ng agiw ng ka-dramahan sa inyong mga utak at puso.
nakakatawa lang isipin na sa kawalan ng pisikal na presensya ninyo ni apeng ko pa malalaman ang ilan sa mga problema ninyo.
nasa arizona na siya.
ikaw, hindi ko alam.
hindi ko kayo masisisi.
nasa inyo lahat ng kalayaan para itago ang mga bagay-bagay sa inyong mga sarili.

nagsisisi daw si apeng dahil hindi man lang niya nasabi o napadama sa'yo ang pagpapahalaga niya sa samahan natin.
sunod sunod na malungkot na emoticon ang ibinato niya sa akin na agad ko namang sinusundan ng nakangiting icon para kahit papa'no mapangiti naman siya.

isa-isa naming inalala ang pagluluto ng tuna sa bahay, ang mga lunch at dinner, ang photo-ops kung saan-saan, ang mga laugh trips, ang pagtambay sa elbi- lahat nang iyon, isa-isa naming sinariwa kahit na mistulang nagigilitan ang aking puso sa mga alaala.

i-hug daw kita at i-kiss sabi ni apeng.
sabi ko baka sapakin mo ako at sabihang minamanyak kita.
sabi ni apeng sabihin ko raw para sa kanya.
hindi ko siya bibiguin. sapakin mo ako kung gusto mo.

pasensiya ka na, madalas puro tawanan at pangungupal lang ang naibibigay ko sa mga panahong magkasama tayo.
ramdam ko rin kasi kahit papaano yung bigat na dinadala mo, kaya naisip kong pagaanin ang mga bagay kahit papaano.

di pa rin talaga ata ako sanay sa mabibigat na drama.

hindi biro nang sabihin mong ayos lang na mapaslang ka para ikaw ang maging unang konkretong biktimang estudyanteng napaslang ng mga militar.
hindi iyon nakakatuwa.

patawad. hindi ko man lang tinangkang kausapin ka tungkol sa mga problema mo.
nagpakain ako sa mga commitments ko. alam kong dapat nagsasaluhan ng poblema ang mga magkakaibigan, pero di ko iyon nagawa.
katulad ni apeng, may guilt-feeling din ako nang umalis ka.
kahit papaano, pakiramdam ko may kinalaman din ako sa mga pangyayari.

huwag mo sanang isipin na balewala lang para sa'kin yung pag-alis mo.
kasama ng mga batchmates natin, ako man ay nahirapan.
mabigat ang pinili mong pasanin.
hayaan o, balang araw darating din ang panahong matutulungan kita ng buong-buo sa laban mo para sa bayan.

mag-ingat ka kung nasaan ka man.
may tiwala ako sa'yo.
huwag ka lang bibitiw sa laban mo.

mahal ka namin.
at kung hindi mo naman ako madatnan sa pagbalik mo sa elbi,
mananatili naman ako sa mundo ng pagba-blog.
******
para kang mga babae sa wisteria lane, madalas mong nasisilaw ng iyong ngiti ang mga tao sa paligid mo hinggil sa tunay mong nararamdaman.

3 comments:

zeus-zord said...

hmmmmm

death is inevitable po tlga

d nmn tau ang may hawak ng tadhana natin, at d yan mangyayari kung walang rason

ewan ko, actually i somehow despise a person pero mahirap kasi she has cancer, minsan iniisip k n sana wala na at tapos na para medyo mabawasan ang iniisip ko at problema namin. sana mawala n sya, kaso mali iyon. iniintindi k n lng kung bakit magulo parin ang mundo namin dahil sa kanya pero wala naman ako amgagawa e

Bryan Anthony the First said...

here's a bundle of laughs for you and 'em around you!

woof!

Anonymous said...

ay naku! sana di ko na lang nabasa entry mu ngayon.. ngayon.. nai-imagine ko na anow ang mangyayari kung mag bombs away ako! :(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...