bakal akong unti-unting natutunaw sa init ng iyong pagpapanday.
oo, ikaw ang nagtanggal sa aking kalawang, pinahiran ako ng langis, nilinis at hinasa, pero hindi ka nakuntento- muli mo akong sinalang sa apoy.
marahan mo akong inihiga sa inakala kong kama ng kaginhawahan. hindi na'ko nadala. hindi na'ko nasanay sa higpit ng hawak ng iyong mga kamay, at umasa pa akong ihihga mo ako sa kaginhawaan.
naiintindihan ko. inihahanda mo ako para sa laban.
salamat.
pero hind ina yata kakayanin pa ng numinipis na katawan kong bakal ang mga hampas mo.
nalimutan mo yatang humihina ang aking bakal sa madalas mong paghasa.
di mo na ata naisip na kasabay ng pagtalas ng talim ng aking katawan ay ang mabilis din nitong pagnipis.
bagama’t hindi pa napipintahan ng dugo ang aking mga katawan, ay nabahiran na ito ng dila ng apoy mula sa pandayan.
kitang-kita ang ningas ng baga na sinasalamin ng iyong mga mata.
lalong pinatingkad ng kulay ng apoy ang lisik ng iyong mga mata.
sinunod-sunod mo ang palo.
hindi pa man din naghihilom ang bakal ay hinahampas mo na at pilit na pinatatalas.
kinalaunan, halos hindi ko na nga maramdaman ang mga palo mo na sinasabayan ng hagupit ng mga dila ng apoy.
gustuhin ko mang umiwas, wala akong magawa.
espada lang akong nakatali sa pandayan ng iyong mga salita, ng iyong mga itinuturo, ng iyong mga pangaral, ng iyong mga galit.
mabuti’t humupa rin ang apoy at itinigil mo na ang pagpapanday.
akala ko’y tuluyan na akong mababali at mawawalan ng silbi.
ilang linggo rin ang lumipas bago humupa ang init ng aking bakal.
ilang linggo rin ang lumipas bago bumalik sa aking isipan na isa pala akong espada.
ilang lingo ko rin kasing naramdaman na para akong isang malambot na tingting.
yung tingting na karaniwang ginagawang espada ng mga bata at iwinawagayway sa hangin tapos babaliin kapag pinagsawaan.
minsan ko na ring naranasan ang matinding pagpapanday.
mula noon ay bumalot sa akin ang takot; takot na muling mapukpok at maisalang sa apoy, takot na muling maramdam na kasing hina ako ng tingting.
sa iyo, muli kong naranasan ang matinding pagpapanday. bukod sa aking ama, ikaw pa lang ang taong muntik ng makabali sa aking kabuuan.
sa ngayon, kasabay ng paglamig ng init, ay pilit kong ibinabalik sa aking sarili na isa akong espada.
espada akong muling babangon pagkatapos mapanday.
espada akong handa nang lumaban sa mga naka-ambang hamon.
3 comments:
astiiiig na post.
oo. hinahasa lang naman tayo ng paghihirap. humihina tayo paminsan-minsan, pero ito rin ang pinagkukuhanan natin ng lakas at tibay para sa ganon; tumagal tayo sa mundo.
:) tatag lang ng loob, tol.
http://vindication.wordpress.com
wow ahehee... nice entry! ahehe parang katulad nung storyang dinugtungan...
at uu nga tama si kevin... tatag at tibay ng loob... ahehe kaya yan...
pagpapanday..
minsan kelangan natin dumaan sa apoy at tagtagang pag pukpok para malaman natin ang ating hangganan.
hindi ka naman dadalhin ng panday sa iyong pag kasira sa kadahilanang isa kang obra nito
Post a Comment