PAST BLOGS

7/02/2006

solusyong bigwas

hindi ko na papaabutin ng round 12.
sisiguraduhin kong sa round 1 pa lang, may tama na.
tagos sa laman at buto. lalabas ang bituka, kasabay ng pagsambulat ng utak sa lahat ng butas ng mukha-mata, ilong, tenga, bibig.
papapaliguin ko sila sa kanilang sariling dugo habang nakaharap sa salamin at pinagmamasdan kung paano ko sila binabarubal.

itatapat ko yung megaphone sa kanilang bibig para pumasok yung mga sinasabi ko sa kanilang mga kaluluwa.
barado na ang kanilang mga tenga. barado ng ingay ng dota, barado ng boses ni sam milby, barado ng pag-iisip sa grades, barado ng kani-kanilang mga sariling ingay sa buhay.

marami nga kayang nabingi sa aking tatlong oras na papananawagan sa lobby ng humanities building? may mangilan-ngilang teachers ang nainis, pero wala akong pakialam. mas mahalagang malaman ng nakararami na damay ang lahat sa pagtaas ng tuition mula 225/unit hanggang 1000/unit.

hindi na ‘to basta-basta usapin ng kakayahan ng mga estudyante sa pagbabayad ng matrikula at sa kakulangan ng budget na inilalaan ng pamahalaan para sa mga state universities, kundi usapin na ito ng pagtapak sa karapatang pantao ng mga estudyante.

may ilang bese ko nang naisulat sa blog na ito ang aking mga panawagan at hinaing hinggil sa kalagayan ng edukasyon sa bansa, pero nito ko lang nadama na kailangan may gawin akong aksyon para dito.

walang hiya-hiya. hindi ko inakalang makakapagpalabas ako ng mga estudyante sa kanilang klase at makakapuno ng mahigit walong jeep na nagtungo sa up open university kung saan naganap ang board of regents meeting.

masarap ang pakiramdam ng makapagpagalaw ng maraming mga estudyante para ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa edukasyon. nakakawalang pagod makitang ang paghihiyaw mo ng ilang oras sa ilog ng mga labas-pasok na mga estudyante ay magbubunga kahit papaano.

masayang isipin na may mga di na nagdalawang isip pang lumiban sa klase para ipaglaban ang pagtaas ng matrikula, pero iba ang lungkot na dulot ng makakita ng mangilan-ngilang sadyang nagmamaang-maangan sa isyu.

hindi ko alam kung naiingayan lang sila sa akin. hindi ko alam kung nagbibingi-bingihan lang sila, hindi ko alam kung sadyang mayaman lang sila, hindi ko alam kung sadyang mga manhid lang sila, pero alam kong kahit papaano ay naririnig nila ako.

kahit pa tirahin nila ako ng kani-kanilang mga matatalim na tingin na may bahid ng pagkainis at pandidiri, hindi ako titigil hanggang maintindihan nila ang mga sinasabi ko.
nakakayamot at nakakalungkot isipin na hindi pa rin maalis sa isipan ng marami ang stigma na ibinansag ng panahon at pamayanan sa mga raliyista/aktibista.

marami pa ring nag-iisip na di nag-iisp ang mga nagra-rally, na puro ra-ra-ra na lang sila ng ra-ra-ra nang di pinag-iisipan ang mga ginagawa.
kumusta naman ang pag-aaksaya ng oras kung ganun?
marami pa rin ang hindi nakakaisip na ang rally ang huling malakas na puwersa para magpahayag ng mga ipinaglalaban kapag pumalya ang matinong pakikipag-usap.

marami pa rin ang nagsasabi na napapagod na raw sila at nabibingi sa mga nagra-rally, pero ni minsan ay ‘di namn sila nakaranas ng rally.

wala akong pakialam kung labindalawang oras pa akong magsisigaw sa megaphone.
mapasama ko lang yung labindalawang estudyanteng nagbibingi-bingihang nakaupo sa l-bench, solb na ang araw ko.

hindi ba nila naiisip ang kanilang mga magulang?
naknang kupal naman, sadya bang napakayayaman na ng karamihan sa mga estudyante sa up?
1000 pesos na tuition kada unit sa state university! isang kalokohan.

kung tama ngang hindi kikilos ang karamihan sa mga pilipino kapag hindi direktang naaapektuhan o nasasaktan, aba eh gagamit na’ko ng dahas para maparamdam sa mga kapwa ko estudyante na damay kaming lahat sa pagtaas ng matrikula sa kahit anong anggulo mo pa tignan.

bagama’t nagtagumpay ang pagkilos nitong nakaraan, (hindi naaprubahan ang pagtaas ng tuition) ang katotohanang hatid ng maraming mas may pakialam pa sa dota at sa kanilang mga pansariling mga interes ay sadyang nakakabahala.

hindi ko alam kung paano ko mapaparamdam sa mga kapwa ko mag-aaral at sa mga kapwa mamamayan na lahat tayo ay damay sa anumang pangyayari sa ating bansa.

baka si manny may magawa pa.

kung ang bawat bigwas ba ni manny ay magsisilbing mga suntok sa kamalayan ng karamihan sa atin, magiging isang napakalaking tagumpay yun para sa kanya.
******
gusto ko lang idagag, mahalagang mga bagay na dapat nating tandaan na itinuturo sa lts(literacy training service):
1. all things have basis
2. all things are interrelated
3. all things change

5 comments:

zeus-zord said...

hmmmmm

dami n nga kau umaapila dyan e

pero kung iisipin

ang taas ng itinaas

ewan...

hmmm

akala ko another pacquiao based entry like the others

hehe

medyo kunek ng pala...

makikisama ako sa pag tutol nyo..

hehe...

yuri said...

well said. lam i dunno paano ko ieexpress pero ang pinoy kasi merong "galit pag nalalamangan" mentality. dapat talaga lahat ayo ay magkaisa muna bgo natin siraan ang isat isa. nakakhiya na at sobra na!!!

Anonymous said...

Thank you!
[url=http://abbmbkuq.com/gnps/anes.html]My homepage[/url] | [url=http://olbcfeqq.com/upgc/ruuh.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Great work!
My homepage | Please visit

Anonymous said...

Good design!
http://abbmbkuq.com/gnps/anes.html | http://bmxgizoe.com/jdex/shdk.html

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...