PAST BLOGS

7/06/2006

sandaling sugat ng singit

sinamahan ko siyang magpa-photocopy, naglakad kami papuntang lb square, kumain sa hot plate, naglakad papuntang carabao park, naglakad papuntang raymundo, naglakad papuntang ilags, naglakad ulit papuntang raymundo, tumambay sa shed sa may up gate, naglakad ulit papuntang ilags-di namn talaga nakakapagod. parang inikot mo lang naman ng ilang beses ang luneta. pero ok lang talaga. sanay ako sa lakaran. sa laki ba naman ng mga hita ko, kaya kong lakarin mula laguna hanggang quezon city kapag tinawag ng pagkakataon.
gusto ko pa sanang maglibot ng mas malayo kasama siya kundi lang umepal yung pananakit ng singit ko.

hindi. hindi hadhad ang problema ko. parang sibuyas na tinalupan tapos kinayod ng pang-gadgad ng keso na pinatakan ng kalamansi at pinainitan ng lighter ang pakiramdam sa singit ko noong gabing iyon.
hindi. hindi mukhang sweet ham ang singit ko, mukhang smoked bacon. ah. hindi. biro lang. basta dinapuan yata ako ng mga fungus sa singit.

inisip ko nga kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi, baka kasi masira yung moments namin. kumusta namn ang monthsary ng masakit ang singit?

kahit nasasaktan ako sa bawat hakbang ko noong gabing iyon, ayos lang, ang mahalaga, magkasama kami. inisip ko na lang penitensiya ko yun sa mga pagkakasala ko sa mundo. (naks)

malapit na kami sa dorm nila nang napansin niya ang paika-ika at sakang kong paglakad.
naisip kong magdahilan pero huling huli na ako.
ayoko namang mag-isip pa siya n g kung anu-ano kaya sinabi ko na sa kanya ang masakit sa akin.
tama bang tawanan ako.
wah. kundi ko lang siya gustong makasama, uuwi na ako at bubukaka magdamag para makapagpahinga.

pero dahil mahal ko siya, sige lang.

anu ba naman ang paglalakad at pagkakaroon ng friction sa singit kung maiibsan naman nito ang friction sa relasyon na dulot ng mga di nasasabing mga saloobin.

e ano ngayon kung magmukhang piniritong fiesta ham pa ang singit ko? maghihilom din naman yun. panandalian lang ang sakit ng singit.
********

*mga ka-blog, lahat ng naka-italicized ay mga lugar sa yupielbi

14 comments:

Danise said...

ulipon sa gugmang giatay!

Talamasca said...

I see. You've kept the physical pain to yourself just as long as you and your partner would be together and somehow ease the other pain a.k.a. the friction of untold feelings. You've done the right thing, my friend. And for that, I salute you!

Anonymous said...

nyahaha!
very entertaining! hehe

Anonymous said...

Damn! Subukan mo kaya mag boxers, para less ang friction, o kaya maluwag na pantalon at yung nakakahinga ang balat mo para hindi mag-init sa loob (physiologically speaking) para hindi makaskas ang balat mo. ;)

Jigs said...

GOD! Can the desciption of your pain be any more graphic?! Grabe naman! Natawa talaga ako! At napagod ako sa pagbabasa ng paglalakad ninyo. LOL!

Kiro said...

umm I guess its just from walking too much. And like you said you got big thighs. Too much friction. nagkaskas ang legs mo. I don't wanna go agaisnt jhay but sa tingin ko if you wear boxers mas exposed ang legs mo sa isa't isa. I was gonna say probably briefs kase naprotektahan singit, unless yung brief ang nagbibigay sayo ng pain edi magboxers ka na nga lang. Or better yet the best of both worlds wear boxer briefs. hahahahhahahaha....

zeus-zord said...

libog factor = (vocal libog + physical libog / clean thoughts)^factor of current libog

libog factor = (95+90/(2*10))^99

libog factor = 4.44 exp 95
hmmm

wala ako magawa

basta

bulitas would not be bulitas without the libog

haha

Anonymous said...

go irviiin! woooh!

& said...

aba. kung talagang mahal ka nya, tatanggapin ka nya kahit ano pang FUNGI yang nasa singit mo.

lakas trip mo pare ha! talagang sinabi na makati ang SINGIT?

at nga pala. parang nagiging X-RATED ang blog mo ha! watdafakk? sinong nag-picture nyan? WAAHH!!

ayun. dumaan. mag CANISTEN ka na lang, sabi nga ni gelli de belen sa isang commercial. WAKOKOKK!!

yun lang! dumaan si utakgago. http://utakgago.blogspot.com

Anonymous said...

wahihihi! singit mu ah! ano magaling na ba? whahaha

Anonymous said...

Nice site!
[url=http://ivuyyupm.com/libs/vwyu.html]My homepage[/url] | [url=http://jvrxwejr.com/tldb/hnlg.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Thank you!
My homepage | Please visit

Anonymous said...

Thank you!
http://ivuyyupm.com/libs/vwyu.html | http://jhykiorw.com/dgbs/dozj.html

Anonymous said...

Great work!
[url=http://apruubge.com/pbtb/cvyq.html]My homepage[/url] | [url=http://fljrsotl.com/xbyg/xhgl.html]Cool site[/url]

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...