PAST BLOGS

7/17/2006

purgatoryo

nung una hindi ko alam ang gagawin ko, hanggang sa maisip ko ang mga sinasabi nila-
    sundan mo ang ilaw!

pucha! paano mo susundan ang ilaw kung wala naman itong itinuturong daan?
wala akong magawa kundi maglakad nang dilat ang mga mata kahit masakit pa ito sa gulpe de gulat na liwanag na bumulaga dito.
kaliwa, kanan, diretso, liko, kaliwa, kaliwa-walang silbi ang mga direksyon dito.
pare-pareho lang kahit saan ako maglakad.
naalala ko ang lagi mong sinasabi sa’kin noon.
    minsan, sa dilim mo matatagpuan ang hinahanap mong daan.

tama ka.
wala akong ibang hangad ngayon kundi kadiliman.
pumikit ako, kadiliman sa wakas.
pero nanlaban ang liwanag. pilit nitong nilunod ang kakarampot na dilim sa aking pagkakapikit. hindi ako nagpatalo. hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko.
pinilit kong ipunin lahat ng kadilimang pwedeng bumalot sa aking pagkatao.
dahan-dahan, humugot ako ng kadiliman mula sa aking dugo na mabilis dumaloy sa aking ugat sa bawat marahang pagpintig ng aking puso.
sa bawat pintig ng kadiliman papunta sa king utak, nakita ko ang daan.
dahan-dahang hinawi ng kamay ng kadiliman ang nakakabulag na liwanag na bumabalot sa paligid.
sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ng init sa aking mga palad.
parang may mainit na kamay ang umakay sa akin patungo sa daang iginuhit sa harapan ko.
nasa’n ka ba kasi? kanina pa kita hinahanap. kamay mo ba ‘tong humihila sakin sa kadiliman? kailan ka pa naging pipi? ang alam ko, hindi kasamang naipit sa truck yung dila mo. pwera na lang kung kumakanta ka bago ka napunta dito sa liwanag. huy! magsalita ka!

(tumugtog nang malakas ang megalomaniac ng bandang incubus)

patuloy akong naglakad sa tila walang katapusang daan ng kadiliman.
inisip kong ikaw ngang umaakay sa akin. nakapagtatakang hindi ako madaling mapagod sa lugar na ito. bagama’t madalas nararamdamn ko sa aking noo ang pag-uunahan ng mga butil ng pawis pababa sa aking pisngi, hindi kailanman nakaramdam ng pananakit ang aking mga hita.
patuloy mo akong hinila sa daang patuloy na hinahawi ng isa mo pang kamay.

(unti-unting tumigil ang megalomaniac)

madaya ka talaga. mahilig kang magsarili. pagkatapos mo akong iwang nag-iisa sa impyernong lupa, hindi mo naman ako kakausapin dito sa teritoryo mo. nasa’n ka ba kasi? hindi pa ba sapat na iniwan ko na ang mga magulang at kaibigan ko para sa’yo?
nasasakyan ko naman lahat ng trip mo diba? yung pag a-eyeliner at eyeshadow mo ng makapal, yung pagsusuot mo ng walang kamatayang itim, yung pagpipilit mong itirik ang buhok mo, yung pagli-lipstick mo ng itim, lahat yun nasakyan ko. diba sabay pa nga tayong nag-aayos dati? madaya ka.
bakit ang aga mong bumitaw?

ano ‘to? bangin. may bangin pala sa dulo ng kadiliman. kakaaliw ka. ano ngayon ang balak mo? itulak ako sa bangin? talaga bang ayaw mo na sa akin noon pa man ha?

lilingon sana ako pabalik pero pinigilan ako ng kamay mo. mabilis nasakop muli ng liwanag ang hinawing daan ng dilim.
nakaramdam ako ng init sa aking mga labi.
inisip kong halik mo yun pero iba.
mapusok kang humalik, hindi marahan.

dahan-dahan akong inakay ng kamay mo sa dulo ng bangin.
ramdam ko ang init sa ilalim ng bangin.
pilit ko itong ninanamnam pero mabilis akong binabalutan ng lamig mula sa aking likuran. mabilis na nagliwanag ang paligid ko kasabay ng unti-unting pagkawala ng bangin sa aking paningin. pumikit akong muli.
pinilit kong labanan ang lamig. sinikap kong ituon ang aking bigat sa sahig na kinatatayuan subalit mabilis akong gumagaan.
binihat ako ng mga kamay mo.
hinagis mo ako sa bangin.

kataka-takang marahan ang aking pagbagsak.
para akong papel na inihagis mo pababa sa gusali.
pumikit akong muli.
nakita kita sa taas.
gago!
huwag mo akong ngitian.
ibang-iba ka na.
wala na ang makapal na eye-shadow at eye-liner.
di na nakatirik ang iyong mga buhok.
wala na ang itim na lipstick.

kumaway ka sa akin.
shet! sino ka?!

biglang bumilis ang pagbagsak ko pababa.
unti-unti kong naramdaman ang pagpapaalam ng lamig sa aking kalamnan.
akala ko wala nang katapusan ang aking pagbagsak.
dumilat ako.
ibinalik mo ako sa impyerno.

*******
ayan, nadugtungan ko na yung kwento ni lojix.

Mekaniks:

1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

at ngayon, ita-tag ko sina justine, kevin, ken, ron at heneroso.
chill!

15 comments:

Kiro said...

ang lalim ahehehe... thanx for the Tag.. btw nasaan yung "maiksing kwento" mo... paki pm na lang sa akin oh ahehe...

Jigs said...

Ang saya ng storya! nabasa ko ang simula ng storyang ito! Nagenjoy ako sa pagbabasa ng mga bagong naidagdag! Dapat talaga magaling ang itatag mo para maganda ang idudugtong nya! Astig dude!

& said...

ANG HIRAAAAAAP! hayop ka. akala ko naman ay isang napakagandang post ang mababasa ko. PAMEMESTE lang pala!!

*itatag ko sina justine, KEVIN*..

putangina!

napamura ako dun ha.

salamat na rin sa pahirap. sige. gagawin ko to. sana maganda ang kalabasan. GRRR!!!

AYUN lang! :) http://utakgago.blogspot.com

Anonymous said...

ahihihi! natagg din ako! whahaha osige ito nalang pagkakaabalahan ko! MAG PAPAINOM DAW SI MANNY! whaihi

Juice said...

SHOOOTT!! I got tagged!! NAks!! I don't even know how to speak tagalog. Huhu.. kailangan ba talaga tagalog? I suck at that..

Juice said...

=( can u give me a change? pwede pass? pls pls pls?? pretty please irvin?? huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu, my heart is beating fast talaga.. i can't do this huhuhuhuhuhuhuhuhu

*sobs*ron

Juice said...

*change* = CHANCE

Anonymous said...

hehe. ngaun ko lang nakita reactions niyo.
cge,para kay justine, pede kahit anong lenggawahe. =)

Anonymous said...

Well done!
My homepage | Please visit

zeus-zord said...

ay, ingit ako.

d ako natag. ang ganda p nmn sana ng naisip kong ituloy.. hehe

ang ganda subaybayan. aliw... matutuwa ako...

i like this kind of story po kasi

/iambrew said...

scary naman... :รพ

Anonymous said...

OMIGAD!

Ang lalim at talaga namang nakakabilib. Tinag din ako ni Ron at Juice, at ako'y biglang nahiya sa aking lathala.

Hahahaha!

Anonymous said...

Good design!
[url=http://fozwrymz.com/smbe/srya.html]My homepage[/url] | [url=http://yroalmke.com/cqyi/ohsl.html]Cool site[/url]

Anonymous said...

Well done!
My homepage | Please visit

Anonymous said...

Good design!
http://fozwrymz.com/smbe/srya.html | http://dfsacrur.com/vzuy/jmiw.html

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...