PAST BLOGS

6/11/2006

this is no dyok!

walang kaso sa’min kung namamalengke siya nang naka-turtle neck.
okay lang din kahit na lagi niya kaming pinapagalitan dahil sa kaingayan.
hindi naman niya kami nilista sa behavioral record dahil sa negligence of seashells.

dati naiinis ako sa kanya kasi kakaunti lang talaga ang natutunan namin sa kanya noong high school.
t.h.e. (technology and home economics) kasi tinuturo niya, pero wala ni bahid ng teknolohiya kaming nahita mula sa kanya. sabagay, kung tutuusin, may mga kaunti naman siyang naipamana sa amin, yun ang pagiging masigasig sa paniningil at ang pagpapagaan ng problema sa pamamagitan ng pagpapatawa.

bilib ako sa tiyaga niyang maningil ng bayad sa mga miscellaneous fees ng paaralan. sa dinami-rami ng bayarin, mapa-tiles para sa simbahan, gamit sa classroom o kontribusyon para sa bishop’s chair, wala siyang pinalalampas. isa siyang dakilang tagasunod ng paaralan.

di siya mukhang komedyante pero mukhang likas naman siyang nakakatawa.
naalala ko pa nang una ko siyang makita noong first year high school pa lang ako.
posturang-postura siya at sopistikada kung manamit, maputi, may katangkaran at mahaba ang buhok, kaya naman di mo aakalaing nakakatuwa pala siyang tao.

pangalan pa lang niya panalo na-
joewanna deocareza.
joe wanna-d e o c a r e z a-

    izpel it korekli en you get a plus point.


kilala siya sa buong paaralan bilang si mrs deocareza, pero binansagan naming siyang deoc-deoc (jok-jok) marahil dahil sa kanyang mga di sinasadyang mga jokes.

sa loob ng isang taon ng pagiging class adviser niya sa amin, nakaipon kami ng ilang mga di malilimutang pagkakataon na nakapagpatawa at nakapagpaisip sa amin ng matagal.

heto ang ilan:

unang lingo ng klase, namangha kami sa kanya ng sabihin niyang,

    i am a up graduate!

    university of pampanga!


ewan ko kung tama ba pagkakarinig ko o inaantok lang talaga ako ng mga panahong iyon pero tanda kong napuno ng mga pigil na hagikgik ang class room.
++++
heto classic,

    class, tumuro bring colored putos!


kinabukasan, may dalang mga balot ng mga puto ang lahat ng estudyante. yung tipong maliliit na puto na may assorted colors at karaniwang nabibili sa goldilocks.

nang isa-isang ilabas ng mga estudyante ang dala nilang mga puto, namula siya sa galit at sinabing:

    sige nga, ken you put dat in yor endex card?

++++
isang araw, naisipan niyang magpa-general cleaning.
habang taranta ang lahat sa kakautos niya ng ganito at ganun biglang tumunog ang signal para sa 3 o’clock prayer at sumigaw siya ng:

    claz, let az pray,
    wan, tu, tri…(habang nagsa-sign of the cross na dapat sana ay yung in the name of the father…amen.)

++++
dahil nga ubod kaming madasalin noong high school,
isa sa mga kinagawiang tradisyon ng paaralan ay ang pagdadasal ng nobena sa quadrangle habang nakabilad ang mga estudyante sa araw.

isang umaga, naatasang mamuno ng panalangin si ms. jok jok.
hindi ko agad napansin ang mga pinagsasabi niya kasi medyo may tama pa ako ng antok.
nagulat na lang ako nang karamihan na ng mga nakapilang estudyante ay nakangiti at ang ilan ay tumatawa ng malakas.
nang mahimasmasan ako dahil sa lumalakas na tawanan, eto ang narinig ko:

    hell meri fol op grace, di lord is wed you…

    at naulit pa.
    hel meri…


noon ako unang nagdalawang isip kung nasa catholic school ba talaga ako.
++++
kung ano ang kinapal ng binibili naming libro sa t.h.e. (na hindi naman namin ginagamit) ay siya namang ininipis ng librong ginagamit na panturo sa amin ni ms. jok jok.

madalas siyang magpa-take notes pero tamad siyang magsulat.
dictation lagi ang labanan.
ayos sana ang pagdidikta, kaso naging mahirap kung malabo ang sinasabi ng nagdidikta.

isang halimbawa:

    oki claz…jaz pull the wayd (pronounced as wide [wayd] ) properly and yor plot wil be in gud condition.


ha? ‘naknang ewan naman oh! anu daw? pull the wide? pull the wide what?
dahil nga sa hindi ko talaga na-gets yung sinabi niya, hiniram ko yung gamit niyang libro at dinouble-check yung sentence. eto ang nakalagay:


    …just pull the weed properly and your plot will be in good condition.


hay. buti na lang way dang pasensiya namin noon.
++++
dahil nga mahilig siya sa dictation, di rin maiiwasang pati quizzes namin madalas dinidikta rin.

bago mag quiz:

    claz, get one hul shet (sheet) of piper.


minsan nagpa-quiz siya na may ganitong tanong:

    which do you prefer, a smooth pinis or a rough one?


at sandaling nagsitigil an gaming mga mundo sa narinig.
anu daw? tama kayang nasa catholic school ako nag-aaral?

nang ipaulit naming ang tanong, at nang nilinaw naming sa kanya kung ano yung pinis na sinasabi niya,

    anu ba? parang di ko tinuro sa inyo yan!
    yung wood pinis. yung ginagamit sa mga pernichors.(furnitures)


di na kami nagtanong pang muli dahil mukhang asiwa na siya. but ina lang binanggit niya yung pernichors, nakuha rin naming sa klase na wood finish pala yung ibig niyng sabihin.
++++
ayos naman sa pakikitungo sa estudyante si jok jok, pero ang isa sa mga hindi ko maintindihan sa kanya ay kung bakit ang hilig hilig niyang mag-inggles e pwede namang mag-filipino sa klase.
mabuti sana kung madali siyang intindihin. e pati mga dictionaries sumusuko sa kanya.

minsan, himalang naging tahimik ang klase namin. maaring dahil sa masyado pa noon maaga para mag-ingay o dahil tag-ulan na ata noon. ewan, basta tahimik kami noon habang nagdidiktang muli si ms. jok jok. sa kalagitnaan ng kanyang pagdidikta, bigla na lamang siyang huminto at sinabing:

    wat did
    you zed?

    i zed, wat did you zed?


wow. ang labo. wala ngang nagsasalita sa’min tapos what did we just said?
inisip kong mabuti kung may nagsalita ba o baka nakakarinig na ng mga boses si ms jok jok, pero wala talagang nagsalita sa amin. inulit niyang muli yung sinabi niya pero mas malakas at nakapamewang na siya.

namumula na siya, indikasyong nagagalit na talaga siya. sa di sinasadyang pagkakataon, maaring sa pagkataranta ko, nakita kong nakatayo sa labas, sa may gilid ng pinto ng class room ang gaming dean for discipline. tumayo ako agad at bumati sa dean na parang robot:

    good morning, mr…mabuhay!

+++
malapit na kami noon gumradweyt nang biglang umabsent ng dalawang lingo si ms. jok jok. siyempre medyo nanibago kami. walang balita sa kanya pati kanyang mga co-faculty. kami man ay nahiwagaan sa kanyang misteryosang pagkawala hangang isang araw magbalik siya na may kakaibang marka sa mukha.

meron siyang pares ng black-eye sa mukha na nagpatangos bigla sa kanyang ilong.
di namn siya kapanguan dati, pero kapansin-pansin talaga ang biglang pagtangos ng kanyang ilong.

siyempre, di kami nakapagpigil sa pag-uusisa kaya kinulit naming siya kung nagpa-nose lift nga ba siya. ang sabi lang niya,

    hindi nose lift yan, na u.t.i. (urinary tract infection) lang ako.

++++
last na,
college na’ko nang huli kong makita si jok jok.
nagkita kami nang kuhanin ko yung yearbook naming tumagal ng tatlong taon.
sa tinagal-tagal ng yearbook, marami kaming nadismaya nang makitang hindi maayos ang pagkaka lay-out at sabog-sabog angmga info.
nang tanungin namin siya kung sino gumawa ng yearbook, ang sabi niya:

    si anonymous.

++++
di man nakagawa ng kadakilaan o nakaimbento ng malaking bagay para sa mundo si jok jok, nag-iwan naman siya ng marka sa aming puso’t isip.

naging isa siyang matamis at mapait na paalala na marami talagang pagkukulang ang sistema ng edukasyon sa bansa. magbayad ka man ng mura o mahal na tuition, wala ka pa ring kasiguruhan ng magandang edukasyon. kahit mapadpad ka sa classroom na kumpleto ang upuan o sa may butas na dingding, makakarinig at makakarinig ka pa rin at makakatagpo ng mga:


    class, des is a
    rectangular saucepan

    (triangular ang ginuhit)


+++

    lez us ol pray,

    adeney da father, the sun and the holi spirit…

    emen.

18 comments:

Anonymous said...

haha. NAWALA ANTOK KO! 12:07 am na! NAWAL ANTOK KO! ng binasa ko yung blog mO! natawa ako! kasi naalala ko yung teacher namin din sa T.L.E nung 2nd yr. haha. mas malala pa kay ms. jok jok ... tulad rin sa teach namin ngayon sa filipino! hahaha.

basta i love the entry. sabihin mo na lang mababaw ang kasiyahan ko. BASTA NAKAKATAWA! hahaha.

Doubting Thomas said...

nyahahaha! kaloka ang entry mo.

Doubting Thomas said...

naalala ko tuloy yung general science teacher ko nung 1st year HS. "Seat indian outside!"

"please tail your ponies" (pinapa "pony-tailed" nya yung mga buhok ng mga babae.) lolness!

Anonymous said...

lol! aliw tong post na to ahh. ahha!! grabe. tumatawa akong mag isa dito sa bahay. mukha na kong ewan. haha!!

zeus-zord said...

nice..

memories..

bat kami walang ganyan

huhu

ingit daw ba..

napadaan lang

G said...

nice one...medyo nakaabot ng isang minuto bago ko na-gets yung puto thing..pero nakakatawa talaga...esp. yung pinis..grabe! hahaha...

yun naman pe teacher namin..di man bisaya pero trying hard ang english..
as in:

(pointing to three persons) "you, you and you..the both of you..report to the OSS later, right now!"

or "please form a staight circle"

emen to that!

icarus_05 said...

Ahihihi.. I love this one.. Naalala ko ung tcher ko sa Drafting... "Please Bring Out yur druwing enstrumints.."

And ung Principal namin nung grade six... "Hoy! Ba't Kayo nagka toking toking?" (Talking) Ahihih.. More Power!!!

Living Doll said...

nabuhayan ako dun ah!

& said...

PROMISE TAWA AKO NG TAWA! GRABE!! may naalala tuloy ako dyan kay jok-jok! si mam espejo. hehe. teacher ko sya last year sa english.

ganyan din sya magsalita.

tsildren, kayndli plis open the dor!

yung mga ganyang language. promise pare, LAFTRIP bawat subject nya.

parang gusto ko tuloy mag-post tungkol kay mam espejo. kaso tsaka na. :D

ayun lang! JOK JOK! grabe, laftrip. tama ka dun sa hulo, kahit ganong kataas pa ang twisyon, hindi ibig sabihin nito ay maganda ang kalidad ng edukasyon..

tao lamang din ang mga guro. ngunit dapat ay alam nila ang tama sa mga tinuturo nila.

Kiro said...

Naalala ko T.H.E. Teacher ko ren... medyo ganyan den sha pero di mashado malala... pero nakakatuwa ren un hehe... tsaka maliit sya... hehehe basta ayus entry mo! kakatuwa!

Talamasca said...

Hmmm... Brings back good and bad high school memories... But I'm still smiling... and laughing, of course... :-)

Gosh, I like the way you wrote this entry. Galing mo talagang magsulat!

Anonymous said...

wahehehehehehehehehehehe :D ang haba ng tawa ko!

Anonymous said...

naranasan din namin yan... halos lahat ng teacher namin nung hayskul binigyan namin ng palayaw..

May isa kaming teacher na lalaki na nagalit sa class namin dahil ang ingay daw namin--tinawag syang andropause {tama ba spelling}.

Yung teacher namin sa filipino na nagalit sa kabilang section tinawag naming "punk you", "beybi". Duling yung isa nyang mata kaya di namin alam kung kanino sya nakatingin pag recitation. Punk you kasi minura sya ng mga batchmates ko tapos minura nya din yung mga eschujante, sabi nya "punk you pala ha, punk you din kayung lahat". Beybi kasi "cute ang beeeybiii" sabi nya, with matching paikot ng ulo...

Anonymous said...

yung isa naming teacher sa math tinawag na Jogaraider, kapalit ng tomb raider... syempre kasi malaki joga, hindi nga siya nakatayo ng tuwid tuwing pumapasok ng room e, halatang nabibigatan.

yung teacher namin sa industrial arts tinawag naming froggy-duan. Pagaduan ang surname nya + mukha syang palaka... gets??

haay naku, madami pang iba... hahaba lang reply ko...

j said...

Nakakaliw ang blog mo, nagenjoy ako sa pagbisita :)

Anonymous said...

uhmmn tawa ako ng tawa
pero kumambyo ka sa huli
mas naget ko yung point mo.
nakakalungkot pala.

teripotz said...

nyahahaha! Naalala ko highschool ko bigla at ang mga code names namin noong highschool para sa mga 'fave' teachers namin. Lafftrip ü

Anonymous said...

Hahahaha!

Nakakatuwa naman ang prof mo. Meron din kaming ganyang prof noong high school. Hindi ko lang maalala... LOL

Anyway, tama ka. Kahit gaano man kamahal o kamura ang ating binabayad sa paaralan, wala pa ring kasiguraduhan kung magiging worth it ang iyong ibinayad.

Nakakatawa at may sense ang post mong ito. Nice!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...