akalain mong mabilis pala siyang tumakbo. nagawa pa nga niyang mapahinto ang nagmamadaling van sa ilang kumpas lang ng kanyang mga kamay.
hindi na nakapalag ang pasaway na driver.
nasaan lisensiya mo?
‘di mo ba nakita pula na?
anong orange? ‘wag ka nang mapilit!
pula yun! kitang-kita ko.
kitang-kita ko rin nang suhulan siya ng driver ng rent-a-van na sinasakyan namin.
talagang bilib na’ko kay manang, este kay darna pala.
matigas siya sa kanyang pagkakatayo.
di niya alintana ang paulit-ulit na pagkurot ng araw sa kanyang balat.
balewala rin sa kanya ang lumanghap ng mga pumapatay na hangin.
matibay siya.
walang duda, siya nga si darna.
di niya alintana ang kalabang usok at init, magawa lang ang kanyang tungkulin, ang hulihin ang mga hindi sumusunod sa batas.
di na kakailanganin pa ang matinding sikat ng araw para mabakas sa mukha ng driver ang pagkainis.
wala hong rehistro.
hindi ko dala.
kahit luma, wala.
pag-usapan na lang natin ‘to.
ginamit ni darna ang kanyang matatalim na mata at pinababa ang driver.
sinundan ko sila ng tingin habang tumatawid sila sa kalsada.
matagal-tagal din ang kanilang usapan. madalas, napapakamot pa sa ulo yung driver namin. hanggang makita kong umupo si darna sa upuan sa tabi habang nakaharap sa kanya ang driver.
natawa ako sa itsura nila. naisip kong napapagod din si darna kahit papaano.
ilang saglit pa, bumalik na ang driver sa van.
nakangiti siya.
akala ko senyales ng pagbabago ng pananaw sa buhay, yung tipong ngiti ng pagkakaron ng bagong kaalaman sa batas trapiko. pero mali ako.
abot tenga ang ngiti niya dahil nakalusot siya sa nanghinang darna ng kalsada.
singkwenta lang pala katapat niya.
akala ko mahal.
sus, bibigay din pala.
unti-unting nadudurog sa paningin ko ang baluting binalot ko sa pagkatao ni darna.
hindi na pala siya ganoon kalakas. bagama’t nalalabanan niya ang mga kalabang init at usok, mabilis naman pala siyang matatalo ng isang piraso ng papel na kulay pink.
anak ng maynila naman o!
mantakin mong kapresyo lang ni darna yung mga piratang dvd sa quiapo at divisoria.
di ko talaga sukat akalain na sa kulay pink na papel, muling magbabalik, subalit mas marami pa, ang mga guhit ng katandaan at kahirapan sa kanyang mukha. dahil sa isang pink na papel, nahubad ang baluti ng kanyang dignidad.
********
nasaan na nga ba si screensaver? (ang tagapagligtas ng mga sirang computers)
inatake kasi ng mga trojans at worms ang computer ko nitong nakaraan.
malakas sila.
madali nilang nalalabanan ang aking opensa. Di na nga umuubra sa kanila yung dati kong pamuksa.
nabalitaan ko sa internet na madali lang hanapin si screensaver.
i-google ko lang daw.
hinanap ko siya. tama, nakita ko siya. nagtatago siya sa mga pangalang norton, mc affe, avg, anti-vir, stop-zilla at kung anu-ano pa.
sinubukan kong kunin ang tulong niya subalit kalimitan sa mga pagkatao niya ay mahal ang hinihinging kabayaran.
peste naman o.
pati ba naman si screensaver napasailalim na sa mga kapitalista?
naisip ko tuloy, baka ang gumagawa ng mga kalabang viruses, ang siya ring may gawa kay screensaver.
dahil alam na naman nila yung nilalaman ng computer, pwede silang gumawa ng mga makakasira dito. sa kabilang banda, gagawa naman sila ng mga screensavers para may panlaban sa mga viruses. ang nakakalungkot, karamihan sa mga screensavers ay ibinibenta nila ng mahal!
14 comments:
mahilig ka pala kay darna? HAHA. grabe talaga mga pulis ngayon, kapalit lang ng isang manipis na papel na kulay pink.
at tama ka rin. baka nga sila rin ang gumagawa ng viruses para gamitin ang anti-viruses na ginagawa nila.
sabi nga nila, si bill gates daw ang gumagawa ng viruses.
wahtduhfcuk!
yun lang! nakikibulitas! WAHEHE!
huwaw! bago layout! oist bago din skin ko pero same template pa rin. oist, pahingi ako ng mga pictures ko!!! huwag mo angkinin, mukha ko yun, hihi. kabuang dito..
Hehe.Aayaw ayaw bibigay din pala. XD
Hehe oo nga ang drama! waheheh la lang.... darna!!
Kawawa naman talaga mga tao jan... kaya sila napapadala sa lagay dahil mahirap na ang buhay sa pinas. Sa totoo lang tngin ko pag sapat ang kanilang sweldo, di nila gagawen yun (pero theres still people who would do that kahit alake sweldo). Basta naawa ako sa Pilipinas. Sana mabago na sha. Lahat puro kurakot!
kalaliman ng tagalog ah! di ko matanto. wahehehe. pangongotong. giving in to temptation..nyahahahhaha =))
btw, ayos na PC mo kuya? :D
ka-awa-awang darna, ala kasi si Ding.
madaming presyong darna na pang-ayos sa sirang PC sa MCS, Quiapo ar greenhills he he he.
oo posible din yung sila yung gagawa nung virus tapos sila rin yung bebenta ng pamuksa. ganyan kasi ang mga utak ng mga mapangsamantala para maka kita ng pera.
grabe si darna. di ko kinaya yung kapangyarihan niya. ibang klasse!
hindi talaga tama na kumuha ng lagay kahit sobrang hirap na dito sa atin.... haay... sobrang mali talaga...
sana kasi.. manghihingi na lang naman ng lagay, malaki na. ganun na lang ba talaga ang presyo ng pagkatao?
kita ko mga photos mo, ang astig... bilib ako :)
bibigay din pala si darna. nagpakahirap pa.
kamag-anak siguro ni screensaver si mang jose. kse naniningil din :)
kay kevin, kel, teripotz, ron, oaula, lukin reloaded, tsina, janpol, ate sienna at tintin, salamat sa pagbubulitas.
ate sienna, salamat sa muling pagbubulitas. =)
Greets to the webmaster of this wonderful site! Keep up the good work. Thanks.
»
Your are Nice. And so is your site! Maybe you need some more pictures. Will return in the near future.
»
Very pretty design! Keep up the good work. Thanks.
»
Post a Comment