PAST BLOGS

6/18/2006

2886

ikaw si 2886.
nakasuot ka ng beatles inspired na polo shirt mula sa artwork na tinernuhan mo ng kupas na maong mong pantalon.
naka-rubber shoes kang puti na medyo nangutim na sa alikabok at putik.
naglagay ka ng gel para maayos ang makapal mong buhok.

3 oras, 24 minuto at 15 segundo kayong pumila ng bespren mong babae sa labas ng sm.
maka-ilang ulit ka ring nagdalawang isip kung tutuloy ka ba o hindi.
ang matinding init ng katanghalian at haba ng pila ang ilang mga bagay na nakapagpahina ng loob mo.
dagdag pa ang paulit-ulit na kwento ng babaeng mahilig mag-retouch sa unahan mo, na kailangan daw magsayaw dahil may talent portion daw.

patay na! anong gagawin mo?

naisip mo biglang hindi ka pala marunong sumayaw.
pagkanta na lang. ayos naman boses mo.
naisip mo ring manggaya na lang ng boses. pwede namang talent yun.
sinubukan mong kumalma pero hindi maitago sa iyong mukha ang kaba.
siyempre, first time mo ‘to.

nang umusad ang pila, mas lalong bumilis ang kabog ng iyong dibdib,
sabi mo parang nung naholdap ka sa may fairview.
pero hindi. ibang klaseng kabog ito. hindi mo maipaliwanag.
kinakabahan ka dahil umuusad na ang pila.

kanya-kanyang ayos na ang mga tao sa paligid.
kanya-kanyang retouch.
kanya-kanyang pagpa-practice ng kanilang mga gagawin at sasabihin.

napaisip ka na naman kung ano nga ba ang gagawin mo.
pero kinumbinsi mo ang sarili mo na magiging ok ang lahat.
kapusin ka man sa itsura, may ibubuga ka naman sa maraming paraan.
nag-angas ka ng asta pero kinakabahan ka pa rin.

mabilis na umusad ang pila papalapit sa stage.
maliwanag ang ilaw.
may nakapuwestong camera sa harap na akala mo isa sa mga judges na pipili sa mga kalahok.
tinawag ang batch ng linya niyo.
nasabi mo sa sarili mo: sa wakas, pagkatapos ng init at ng pagkangawit, eto na.

mga 30 segundo lang kayong nakatayo sa harapan pero isang araw ang katumbas noon sa’yo.
isang araw na pinapiyestahan ng maraming mga usyosero’t usyosera ang iyong pagkatao.
sinuri ka na akala mo naka x-ray vision goggles sila.
pakiramdam mo, isang araw kang hinubaran ng tingin ni laurenti dyogi at ng kanyang mga alagad. pakiramdam mo, ikaw ang araw, silang lahat ang planeta.
puro ka kasi pakiramdam, hindi mo napakiramdaman ang itsura mo sa harap.

mabilis lang natapos ang isang araw na yun para sa’yo.
mabilis na tinapos ng salitang thank you.
napili pala nina ginoong dyogi yung babaeng puno ng foundation sa unahan mo.

paglabas mo sa bakuran ng stage,
napangiti ka dahil nagawa mo na naman ang isang bagay na gusto mong gawin.

pumunta kayo ni bespren sa starbucks para pawiin ang pagod.

habang ninanamnam mo ang mamahaling kape,
naisip mong dapat madaling araw pa lang ay pumila ka na.
naisip mo rin na magandang ideya ang dumating ng sobrang late para fresh ka pa kapag tinignan ka ni mr dyogi at ng kanyang mga alagad.

naisip mong pwede ka namang magdala ng damit sa susunod.
naisip mo rin na kung matatanggap ka kaya kung pinuno ba ng foundation ni besfren ang iyong mukha.

naisip mong sa susunod, dapat namili ka ng mga tatabihan mo sa linya.
naisip mong hindi ka dapat tumabi sa mga feeling mo mas guwapo o mas maganda sa'yo.
sa gayon, mas malaki ang pagkakataon mong mapansin sa batch ninyo.

naisip mo rin na ibahagi yung naisip mo sa iba.

naisip mong artista talaga hanap nila.
hindi.
hindi artista. mga mestiso’t mestisa lang.
puro mga kulay bangus ang napasama sa huli ni ginoong dyogi.
walang kamukha ni raquel o franzen.
natawa ka na lang.
naisip mong baka pumapalya na ang star search nila kaya sa mass audition sila bumabawi.

nang maubos mo ang kape, napangiti ka.
naisip mong may 15 years ka pa para sumali.
35 yrs old ang cut-off ng edad, magsawa sila sa’yo!
naisip mong ring sayang lang ang pag-iisp mo kung kukuwestiyunin ba nila ang edad mo.
alam mo namang kaka-bente mo lang.
naisip mo, darating din ang panahon, mapapansin ka nila.

17 comments:

zeus-zord said...

hmmm..

aba

ang apply ka sa pinoy big brader

haha

nag balak ako kaso d ko tinuloy.. mahirap na.. baka matalbugan ko pa si kriss akino at mani pakyaw..

haha

Anonymous said...

waaaha! aus! sana sinama mo ko! ahahahah....


ok lang yan. baka di pa ngaun ang oras mo! graduating ka kase. baka raw masira ng career ang pag-aaral mo.

at least nalampasan mo ang isang bagay na gusto mong gawin kahit alam mong me mga factor na nagtutulak sa yong wag tumuloy.

isa nang achievement yan. not every one has the guts!

nixda said...

ok ka lang? napag-tripan mo rin pala ... may naisulat ka tuloy :)

vaN said...

ok lang yan! sus. nakatsamba lang talaga ung iba. ;P

pero i enjoyed reading the post... nakakarelate ako. im a nervous wreck. i hav stage fright and im goin to teach a 4th year class tomorrow - all by myself! yikes. wish me luck! but i guess being nervous is totally normal. un nga ung nakaka-exciting eh. it's all about the adrenaline rush and satisfying it. ^^

yay! thanks to yayam! my 15 minutes of fame got extended. :D

Anonymous said...

awww.. parehas tau. lagi akong kinakabahan. kahit.. magrerecite lang sa klase. masyado kasing mana sa tatay. perfectionist. kailangan laging tama. pero, sa huli lagi kong narerealize na hindi mo kailangang maging tama lagi.. mahalaga, napatawa mo ang klase sa katangahan mo. diba? haha.

/iambrew said...

i could never get myself to do what u did. saludo ako sau dre!

mahiyain kasi ako eh!

Anonymous said...

galing ng entry na itoh ah... he he he...

Anonymous said...

ayos! di ba mas magandang ending sana kung pasado? oh well.. meron pa naman 15 years di ba? samahan kita sa susunod.. heheh..

Kiro said...

wow...bilib ako sayu... i think kung ako yan di ko natuloy pag audition... i think i got stage fright... well i dont think i do... i know i do... lage ako kinakabahan hehehe... sama ako nex time malay mo makuha ako... oh i mean ka na nila nex time hehehhehhe....

Talamasca said...

Eeeew. Eeewww. Eeeeeeewwwww!

Period.

I thought that 2886 was one of those "wireless spammers" of Globe or Smart. I was wrong. Hehehe...

Anonymous said...

Hwaaaaw!

Sige. Masaya yan.. Haha! Apply sana ako noon sa PBB Teens.. nung napanood ko na.. buti na lang hindi ako sumali. Hahaha!

Sayang naman. Di bale, may next year pa. ;)

Juice said...

AWWW.. Nag apply ka sa big brother?

Hahaha nakakatuwa ung post mo. Lahat galing sa thoughts.. a different side :D

There's always next time, may Philippine Idol rin diba? Sabi mo ayos boses mo diba? Hahah :D GOod Luck!

& said...

aba asensado ka na! nag-apply ka pa sa big brother ha.. :D hehe, papanoorin kita kung sakali mang manalo ka dun.

bat mo naman naisip ang raket na yan ha irvin?

hmm. babaeng bespren. *tibok-tibok* wahehehe.

nako, di kawalan ang PBB!!! yun lang. hehe, oo nga - di mo naisip na magpa-late ka na lang. http://utakgago.blogspot.com

Wendy said...

Nag-enjoy ako sa pagbasa...
Audition... nadagdagan na naman ang iyong mga unforgettable experience na maikukuwento mo sa iyong mga magiging anak at apo.

Have a nice weekend!

Anonymous said...

sayang hindi ka nakuha! dapat talaga todo todo ang pagpapapansin sa mga panel e... hehehe...

Anonymous said...

zord:
sana tinuloy mo, para ikaw naman ang ikakalat sa maraming advertisements kung saan saan.

lojik:
sige, sa susunod sama ka. haha. para masaya. tapos magsama pa tayo ng maraming bloggers!
woohoo!
lojix, maraming mas me guts na nandun. libo-libo! haha!

neng:
oo, lakas tama ako nung araw na yun kaya napagtripan kong mag try-out.=P

nina:
sana naging ok yung pagtuturo mo sa 4th yr class.
kaya mu yan! lahat naman may initial stage fright.
it's up to us kung pa'no natin yun ico-conquer.

cars:
haha. ang mahalaga, nakapagpasaya ka ng mga tao.

brew:
hindi ko maisip na mhiyain ka.

lukin reloaded:
tnx. =)

pinkposh:
uu nga eh. sana pumasa, pero hindi nila ako trip. haha.

ron:
oo, sama ka sakin tapos mag-eeksdhi tau dun! haha!

tala:
hehe.

jhed:
oo.marami pang taon. haha. basta try lang ng try hangga't may chance.

justine:
haha. gudlak sa boses ko. =)

kevin:
ikaw talaga, may patibok-tibok ka pang nalalaman! =)
oo naman, di yun kawalan.


lucerodelara:
haha. salamat sa mga blogger friends!
alabyuol!

wendy:
oo nga eh. may baul na'ko ng kwento sa mga magiging apo ko. haha.

janpol:
naisip ko nga maglagay ng maraming uling o kaya magpakulay ng rainbow sa buhok para magpapansin, well, di ko ginawa. haha.

gimickero said...

ay... nag audition ka pala... di ko ,am lang namalayan. sana pala pede narin ako jan! pero sigurado di ako papasok. sabi mo mistiso kinukuha... e di ako mistiso. saka kahit nga teen edition di ako tatanggapin sa edad kong to e

haha

try mo nalang next tym! malay mo?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...