PAST BLOGS

5/24/2006

panawagan sa pakikisama

panawagan sa pakikisama



para sa mga kapwa iskolar ng bayan at sa mga taong may malasakit sa edukasyon.

mamaya ay pagdedesisyunan na ng BOR (Board of Regents ng UP) ang proposed
tuition fee increase na 300-1000Php per unit.

kumusta naman ang biglang pagtaas ng tution mula 5000Php/18 units pataas ng 18,000Php/18 units?

dagdag mo pa ang na-aprubahan na library fee (sa elbi na yata ito) na 400-800Php, at mga proposed energy feees (425Php), at internet fee.

kahit pilit nang pinagpapahinga ng pagod ang aking katawan mula sa maghapong trabaho,
di ko maiwasang hindi magulat sa mabilisang mga pangyayari sa lipunang ginagalawan ko.

ang hirap isipin kung paano na naman igagapang ng mga magulang ko ang pang-tuition ko sa susunod na semestre.

sa 5 libong tuition ko nga, hirap na sila, paano pa ang 18 libo?

argh.
akala ko ba ang edukasyon ang isa sa mga prayoridad ng pamahalaan sa bansa?
bakit tila nagiging represibonito sa pamamagitan ng pagtaas sa presyo nito; na dapat sana nga kung posible ay libre at para sa lahat.

sa mga kapwa iskolar ng bayan, kung walang gagawin mamaya pumunta po tayo sa
BOR Assembly, 7:30 am, Quezon Hall, UPD
Senate Budget Hearing, 2:30 pm
at sa Student Leaders dialogue with senator Drilon and Pangilinan.

mga kapwa iskolar ng bayan, makiisa po tayo sa lan\ban na ito tungo sa edukasyon.
mga kapwa bloggers at mga mambabasa, kahit saang paaralan man kayo nag-aaral o nag-aral, isulong natin ang malayang karapatan natin sa edukasyon.

maraming salamat.

10 comments:

& said...

hindi man ako iskolar ng bayan.. masasabi ko lang na MALAKI ang epekto nito sa mga istudyante!

mahirap na nga ang buhay, mas pahihirapan pa. kahit na, makatwiran ang kanilang mga saloobin - siguro dapat gawin nila ang abot ng kanilang makakakaya upang mas LUMIIT ang ipapataw nilang dagdag sa tuition.

hay. nice post!!!

abet said...

Bulitas,

Kakalungkot isipin na iskolar ka ng bayan pero hirap pa din igapang pagiging iskolar..haaay buhay...sana magtagumpay ang mga estudyanteng may malasakit sa edukasyin nila at sa susunod na henerasyon. Nice one !!!

Anonymous said...

I'm so sorry for this. I'll help you in my own little way...

/iambrew said...

whoow! taas naman nun. the last time i was there 300 per unit lang. and i only pay around 8000 sa tution (inclusive na ng library fees, student council ekalvuh and lab fees)...

kakasad. ;'(

Anonymous said...

hmmm... eh pano 'to nde naman ako isko. hehe :D nde joke lang.

batid ko ang ibig mong sabihin...

/iambrew said...

hahaha. sowi abt that. its da vinci pala. tnx.

anyways im glad di natuloy yung kung ano man. wahehehe...

nagrally ka noh?

/iambrew said...

i forgot to answer ur question. YUP! tagaUP ako. Journalism Grad ako. student #: 00-274XX (tanda na noh?!) wahehehe...

/iambrew said...

ok lang yun at least it was successful di ba?

and yes, di pa naman ako katandaan.

nu course mo?

(sorry ha, may surf control kasi yung tagboard mo kaya i keep posting comments here na lang... )

Anonymous said...

Interesting website with a lot of resources and detailed explanations.
»

Anonymous said...

Here are some latest links to sites where I found some information: http://neveo.info/339.html or http://indexmachine.info/3223.html

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...