PAST BLOGS

4/03/2006

power pray

mahilig mamilit ang tatay ko.
palibhasa, kawal ng bansa.
nasanay sa kamay na bakal.
mahilig siyang mamilit sa maraming bagay-kumain, matulog, magsimba at magdasal.
nagtataka lang ako, hindi namna pala-dasal ang tatay ko, pero nitong nakaraan, nahihiwagaan ako sa kanya dahil parang andaming mga anghel na ang nakapaligid sa kanya at bumubulong-bulong na magbalik-loob kami sa diyos.

ok lang naman sakin ang mgadasal. madalas ko naman yun ginagawa, lalo na nung high school, pero nagdadasal lang ako kapag gusto ko.
naniniwala kasi ako na kahit anumang bagay na sobrang pilit ay pangit ang kinalalabasan.
maaring maraming mga relihiyoso ang hindi sumang-ayon sa’kin. maaring sabihin nila na obligasyon mo bilang isang nilalang na napapaloob sa isang relihiyon ang madasal sa’yong sinasambang diyos.
para sa akin, oo, may obligasyon ka, pero dapat ang obligasyong iyon ay ginagawa ng kusa, hindi ginagawa nang dahil sa takot sa impyerno o anumang kaparusahan.

matigas ako sa paniniwala kong iyon tungkol sa pagdarasal, hangang sa magtanghalian kami kanina.

sa mga normal na pagkakataon, basta na lang kami kumakain na magkakapamilya. kain- subo, kain- subo nang walang imikan. Tahimik kami kumain, mabilis, kailangan maubos mo yung mga pagkain sa mesa, kundi, lagot ka. ]

pero kanina lang, nag-iba ng ikot ng mga plato. nagtataka ako kung bakit hindi pa sila sumusubo. tapos nakatingin sakin yung tatay ko. sabi niya, sinong magllead ng prayer? aba! magpasalamat naman kayo sa diyos sa mga biyayang natatanggap niyo!

nanibago ako na para bang bigla akong nabusog ng grasya mula sa langit. ewan. di ako agad nag-react. hindi ako prepared. nakita kong malapit na namang mag-usok ang ilong ng aking ama kaya’t sumunod naman ako sa kanya kahit wala sa loob ko ang magdasal.

mula pa noong pagkabata, masasabi kong maraming pagkakataon nang dininig sa taas ang aking mga panalangin. Napadpad ako sa kanlungan ng up, nanalo ako sa maraming mga paligsahan, at unti-unting nangyayari ang mga gusto kong mangyari sa buhay- at masasabi kong karamihan dito ay bunga ng bukal sa loob at di pilit na panalangin.

matagal ko nang ipinagdarasal ang araw na lalambot ang kamay na bakal ng aking ama.

hay.

tunay ngang makapangyarihan ang panalangin.

tanong lang,
ang sapilitang pagdarasal kaya ay epektibo din?

1 comment:

Ann said...

Hello! Nagtataka ka ba kung bakit dinidinig ni Lord yung mga dasal mo eh hindi naman bukal sa loob mo ang pagdarasal mo? Isa lang ang sagot doon. "mahal ka ni Lord."

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...