kanina nadaanan ko sa cubao yung mga dating starstruck na sina ken at kevin.
di ko naman talaga sila mapapansin kung di dahil sa grupo ng mga kinikilig-kilig na bata na muntik nang bumangga sa akin.
well, matangkad pala sila.
akala ko nung una namamalikmata lang ako, pero nang haplusin ko yung mga mata ko, totoo pala. matangkad sila.
as usual, pinilit kong paniwalain ang sarili ko na wala iyong kaso sa akin.
e ano ngayon kung mas matangkad sila sa'kin?
di naman ako sumasali sa who's the tallest person in the world contest.
isa pa, kung susuriin mong mabuti, kapag tumayo ka naman sa tabi ng mga mas matangkad sa'yo, malalaman mo na di naman talaga sila ganun katangkad,
yun nga lang, mas matangkad pa rin sila sa'yo kahit na ilang inches o centimeters pa yun.
oo na. height doesn't matter.
talaga?
i beg to differ.
it does mater in various ways and in various situations.
tulad halimbawa sa pag-aaply ng trabaho, laging may height requirement.
sa corporate world, kung hindi mukha mo ang nauunang basehan ng iyong kakayahan, height.
karamihan sa mga babae mas pinipili ang mas matatangkad sa kanila.
well, feeling daw nila secured sila kapag mas matangkad sa kanila yung kasama nila.
mukha daw mas confident at mas malakas kapag matangkad.
fallacy.
maraming matatangkad na weaklings.
sabi ko marami, hindi lahat.
sa pag-aartista, kung hindi ka sobrang ganda o gwapo, dapat exceptional ang tangkad mo.
( wah! dapat ko na nga yatang i-give up ang mga pangarap kong mag-artista. hehe.)
ilang beses na akong napagkamalang mas bata sa edad ko dahil sa taas ko.
isang beses, nung nag-apply ako sa inquirer quest, tinignan ako mula ulo hanggang paa nung babaeng nag i-screen, tapos sinabihan ako,
are you sure you're 18?
you just look like 14.
kumusta naman yun?
sana nagpaka-overdose na lang ako sa flintstones nung bata pa ako.
huli na rin kung magche-cherifer pa ako.
masakit na rin mga kasu-kasuan ko kaka-stretch.
masakit na rin ang kamay ko kaka...
stretch pa rin. (ano akala mo ha? hehe.)
wala pa rin.
wala talaga.
maliit talaga ako.
eh wala naman akong nakikitang matangkad sa lahi namin.
ngayon nga mas matangkad pa ako sa tatay kong sundalo.
(wow! matangkad na ako this time)
kahit na feeling ko nagawa ko na lahat ng posibleng gawin para tumangkad,
wala pa rin.
hay.
pero ika nga, huwag mawalan ng pag-asa.
may isang taon at ilang buwan pa ako para tablan kahit papaano ng bisa ng chlorella (tama ba spelling?) growth factor ng cherifer.
o kaya magpapayaman ako ng sobra para makabili ng maraming flintstones at makapag-take ng maraming calcium sa katawan.
sige na nga, hindi ko na muna igigive-up ang pangarap kong maging istar.
=)
13 comments:
hahah... wag mo muna i-give up ung pangarap mong maging star! baket nga c dagul?! dba! kso nga lng maliit sya tlaga kya un ang advantage nya! hehe. daanin mo nlng siguro sa gandang lalake... assuming magandang lalaki ka nga. hehe.
tama ka rin nmn kc height does kind of matter.. khit rin nmn ako syempre ilang nmn ko kung masmaliit sakin ung bf ko dba... bka akalain png bro. ko un. hehe. may chance k pa nmn, kc growth ends at 21 for male. ako nga konti nlng and wa' n kong chance kc sa girls ang end ay 18. so may less than a year ako pra magdagdag ng height. good luck nlng ako achieving my target height na atleast 5"8- 5'9. pra model status. haha. or bka dpat i-give up ko nrin ung pangarap kong iyun tulad ng pag give-up mo sa pangarap mong maging star. harharhar.. :D
i agree that height does matter. but having lack thereof doesn't make you less of a person. tingnan mo nga, kahit pandak nagiging presidente. *wink*
hahah! patawa icompare ka ba naman kay dagul at gloria!
wel bro, you can't have evrything you like in this world. gusto mong tumangkad? pero gagawing kang bobo... gusto mo? or papaltan ng mukha ng kabayo ang mukha mo? carry?
you see, there's so much blessing you gotta be thankful for!
nasa diskarte yan on how you can deal with your everyday's life. pagalingan na lang! magaling ka naman eh
hindi matangkad si Dennis Trillo.. hayayay. I'm lying alone with my head on the phone, thinking of you til it hurts. wag mo na isipin 'yun. Di naman sumikat sina Ken at Kevin. haysus.
eto, inom ka cherifer PGM capsules, sabayan mo ng pag inom ng honey(yung tunay at di fake), sustagen, pagtulog nang madalas at eepekto yun. pramis. hahaha. kontak my mama for more. haha.
wala yan sa height. haysus.
siya nga pala, kaya ako napadaan dito muli kasi kanina sa philcoa overpass, may nagtitinda ng kung ano anong ring-like stuff na parang may mga buhok buhok sa gilid.. [haha. kakahiya] na-curious kami ng kasama ko, tinanong kung ano 'yun, MINI BULITAS daw. wahayhay. kakahiya.
ako nga pala yung Indiong Madilaw
nakikibasa lang dahil nakarelate yata ako..di kaya magkasinghayt lang tayo?ramdam ko yata mga sinabi mo...cheer up!...your height won't make you less human...at yun ang importante...never stop dreaming.
ahhh.... parehas tayo!!!
kung kulang sa tangkad, daanin sa abilidad! masaklap tlga kapag damang-dama mo na may kulang sayo pero maraming pwede gawin to make up for that loss (your height for that matter)
..at pangarap mo palang mag-artista ha? hehe :) gudluk sayo.. san ka kaya lalabas? PBB, starstuck, SCQ?
sus!
teka kung iyong mamarapatin... ano ba ang height mo?
ang ganda talaga ng blogsite mo...para akong nanuod ng movie tapos kaw ang starring!napaka-artistic mo!
salamat sa pagdalaw sa bahay ko.
Yup height matters, kasi kahit mahalaga ang credos, ang unang tinitingnan ay ppearance tapos pagkatapos noon atsaka lang sila gagawa ng image mo.... first impression still affect yung general impression sa iyo.
Ako ay six feet, ang problema ko nasa 125 lds. lang ako kaya di rin gaanong helpful. Hehehe.
Siguro work harder na lang. Pero meron akong kilala dyan, gwapo ng at matangkad, utak siopao naman. Di nya kasalanan pero talagang hopeless.
siguro dahil hindi rin ako katangkaran kaya para sa akin, hindi mahalaga ang tangkad. sabi nga nila, pantay-pantay lang iyan sa kama.
weh, walang epekto yang cherifer na yan...
ilang taon din akong uminom nyan pero payb por lang ang kinalabasan ko...
may pwede naman akong pagmanahan na matangkad ah...
payb ten tatay ko eh...
kahit man lang sana payb siks masaya na ako...
pero at least naman pala, pwede daanin sa sapatos...
ang shugwa naman kung mag-heels ka noh?
Post a Comment