Anino kang parte ng katauhan
Plemang pilit inaalis sa lalamunan
Ubong pinipigilang ilabas
Suka na sa bibig nagpupumiglas
Alaala na iniiwasan
Larawang binubura sa isipan
Misteryong hindi makatakas
Damdaming nais makaalpas
tinta ka na pilit binubura sa isipan
sa pag-aakalang makakamit ang kalayaan
Subalit ang tinta na
Inakalang kumupas na’t nawala
Kumalat, kinulayan muli ang aking gunita
3 comments:
buti pa ang kalawang pwedeng erasin ng tide eraser bar!
bakit ba me mga bagay na ang hirap burahin sa isipan?
tsk..tsk...mga alaala ng mapait na nakaraan...
sandali.. gusto ko ung post na punches...
siguro ganun tlga.. pag importante at mahalaga.. mahirap mabura.. habang pinipilit..lalong kumakalat..
huwag mong kalimutan...ang nakaraan ay di dapat kinakalimutan kundi kinapupulutan ng aral...
Post a Comment