PAST BLOGS

1/15/2006

ilang-ilang

nilanta na ng tubig ang mga bulaklak na handog mo.
marahil ay nainip na ang mga bulaklak sa di gumagalaw na tubig.
araw-araw nalalagasan ng isang talulot ang bawat bulaklak.
gabi-gabi dahan-dahang humahalo sa tubig ang naagnas na mga talulot.
kailan ka muling maghahandog ng bulaklak?

1 comment:

lojika said...

sabi nila, mabilis raw lumipas ang panahon.pero bakit parang kay tagal ng bawat takbo ng segundo habang may hinihintay kang bagay na matagal nang hindi dumarating?nakakapanlunmo habang nadaragdagan ang pananabik mong matamasa na ang ninanais mo...

ang ganda nito.ang galing mo.

salamat nga pla sa pagbisita mo sa blog ko.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...