PAST BLOGS

12/05/2005

squares

Mr. sleepy head! Natutulog ka na naman!

Naman!

Di naman talaga ako natutulog.

Di naman nila masisisi yung mata ko. Di ko naman kasalanang maging singkit ah. Isa pa, di naman ako masyadong singkit tulad ng mga intsik at koreano.

Ewan. Lagi na lang akong napagtitripan ng mga instructors sa klase.

Sinabi nang di ako natutulog e. Masama bang pumikit ng sandali? Isa pa, kahit tanungin pa nila ako, kaya kong ipaliwanag yung tinuturo nila.

**********************

Astig. Ikaw na ang abutan ng pagsasara at pagbubukas ng mga tindahan sa gimikan.

Biruin mo, mula 8pm hanggang 630am kinabukasan, laman pa rin ako ng LB square. Sino ngayong beteranong gimikero’t gimikera ng LB ang papantay sa record naming ha?

Kailangang magtiis. Kailangang indahin ang pagod at puyat. Di bale, matatapos na naman ang production namin sa December. Matatapos na ang theatre practicum ko. Sana lang maging maayos ang last week naming. Sana.

Sa apat na linggong pagbubuno sa practicum na ito, sana lang maging maayos ang lahat.

**********************

Iba na talaga mga magnanakaw ngayon. Pati linya ng telepono pinapatos.

Walang’ya.

Nung una, telepono ko, ngayon, yung linya naman ng telepono.
Kaya pala walang dial tone yung telepono namin sa bahay.

Magpapasko na nga. Ibang klaseng kahirapan na ‘to.

2 comments:

ie said...

panong nanakaw yung linya ng telepono nyo? ano yun, kinuha yung kable?

bulitas said...

waah!~ewan ko ba dun sa sobrang pathetic na magnanakaw na yun. tinangay yata yung mga kable, o kundi man, ung malaking transformer cguro. =P

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...