matagal rin ang inilagi ko sa aming probinsya sa nueva ecija. mula sa akimng bakasyon ay marami akong natutunan sa aking mahabang panahon ng pagninilay-nilay.
siyempre, di lang naman ako basta nag-hibernate na lang na parang ahas, kasama sa aking pagpapahinga ang pag-iisip ng mga kung ano-anong bagay.
eto ang ilan:
- *kahit na nagtaas ng malaki ang pamasahe sa baliwag bus transit, matagtag pa rin ito, at lalo pang tumatagtag habang nasa biyahe ka. noon ko lang nalaman nung muli akong bumiyahe kung bakit maraming matatanda ang nasusuka sa biyahe.
*wala pa ring 'pinagbago ang bayan namin sa nueva ecija. kakatwang nabansagan itong "science city" gayung mangangpa ka sa bakas ng siyensiya sa lugar. naging malaking balwarte na rin ito ng korupsyon.
- *nakakatakot nang mag-gala ngayon. sunod sunod ang walang kawawaang pamamaslang sa mga inosenteng mga mamamayan at lider ng mga unyon ng mga manggagawa. (ric ramos, francisco rivera, dr. angel david, jon sabas, at sa iba pang mga nasawi dahil sa repression at human rights violation na nagaganap sa bansa, sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.)
- *maiba naman, sa sobrang pagkalunod ko sa mga love flicks nitong nakaraan, natutunan kong masarap pala silang panoorin. Masarap dahil sa pamamagitan ng mga love flicks, kahit papaano ay nakakasilip ka sa magulong pag-iisip at puso ng mga kababaihan. marami akong natutunang mga paraan kung paano mo mapaparamdam sa iyong mahal na siya ang iyong prinsesa. masarap umibig.
- *isang mahalagang natutunan ko sa mga love flicks ay: dapat sinasabi na agad sa iyong mahal na mahal mo siya habang may panahon pa. pucha, wala ng regrets, regrets.
- *masarap din pala ang ref cake na saging ang nasa gitna sa halip na manggang hinog.
- *napakadali lang alisin ang mga buhok na pinatubo mo ng matagal na panahon.
- *masarap pala ang pakiramdam ng semi-kal. presko. isa pa, mas intimate na ngayon ang relasyon namin ng anit ko.
- *marami ang nagmamahal sa kin.
- *eto, feling ko lang, ang isa sa mga mahahalagang formulas ng buhay: disposition + determination
- *ang ating buhay ay umiikot sa mga prisipyo ng choice, purpose at sacrifice
- *ang taong pinipilit mong huwag isipin ay lalo mong naiisip, kaya nga minsan naisip ko na wag na lang mag-isip, pero di kinaya ng isip ko yung naisip ko
- *ang galing nga paramita! astig na banda!
- *ang dami ko pa palang balak matupad sa buhay ko, kaya nga gusto ko nang yumaman para makapag-donate na'ko ng art center sa aming unibersidad. siyempre, nakapangalan sa'kin
- *gusto kong yumaman kasi bibili ako ng franchise ng isang bookstore, magtatayo ng law firm, magtatayo ng photo studio, at pupunta sa paris para mag-wine kasama ang aking best bud
- *naisip ko rin na kahit di ako nakasama sa dumaguete para makapag-debate, ayos lang, kinailangan ng sistema ko ng pahinga, at na-enjoy ko ang lahat
- *blythe, at sa iba pang mga tao na kailangan ng pahinga, magpahinga kayo. uminom ng sangkaterbang tubig.
- *bakit kaya mukha pa rin akong bata?? hmm. kelan kaya maniniwala ang guard sa sinehan na lampas na'ko sa tamang edad para makapanood ng mga pelikulang may R-18 na rating?
- *nalungkot ako nung namatay si pirena. di kaya't ako ang tunay niyang ama at di si hagorn?
- *crush ko talaga si sarah geronimo at alessandra da rossi
- *tagal kong di nag-blog, nanaba na ang mga daliri ko kaka-lamon sa probinsiya
- *napakasuwerte ko palang tao!
- *mahal; ko kayong lahat!
- *mahal ko si:____
masaya ako sa 'king bagong buhok
1 comment:
That sounds great, but I've seen very different opinions of coloured contact lens
Post a Comment