madalas sa buhay, kapag sa paningin natin mistulan nang imposibleng masolusyunan ang isang bagay, sumusuko na tayo.
madalas, hinahayaan na lang nating kumawala at mawala ang mga bagay sa atin (maging sapilitan o kusa man itong kumawala)nang walang kalaban-laban.
pucha. nakakainis isipin na yung mga taong inaasahan mong tutulong sa'yo sa panahon ng kailangan mo sila, ay yung mga tao palang manggagago sa'yo.
nakakainis isipin na yung mga otoridad na ibinoto at binigyang kapangyarihan ng mga tao para paglingkuran sila ay ang siya ring manloloko at manggagago sa mga tao.
nung una, hinihiling ko na mamatay na yung nagnakaw sa kwarto namin nung nakaraang biyernes ng madaling araw.
pero nito lang, naisipko na di pa siya dapat mamatay.
dapat maranasan muna niya yung batas.
kundi batas sa lupa, batas sa langit.
pag di pa rin umubra ang langit, batas ko na ang ipapatupad ko.
hayop siya. nagkamali siya ng ninakawan.
kundi ba naman siya tanga at nag-wan ng maraming finger prints sa salamin nbg bitana, sa pader at sa marami pang bagay na huinawakan niya.
peste.olats lang ako sa bagal ng justice system dito sa bansa.
wag lang nilang masabi-sabi na simpleng nakawan lang ang naganap.
walang simpleng pagnanakaw.
halagang 14thou din yung nanakaw niya sa'kin.
isa pa, nandun na halos ang buhay ko.
yung mga contacts ko, yung mga numbers, yung plot ng story na naisip ko, yung prod, yung org.
pero ok lang. ok na'ko na nawala siya eh.
pero pucha. di siya nawala dahil inisnatch.
inagaw siya sa'kin habang kipkip ko siya sa aking katawan, habang inaantay ko siyang gisingin ako sa madaling araw para makagawa ng teasers para sa production.
sapilitan siyang kinuha sa akin, habang ako'y napasailalim sa mahimbning na pagkakatulog. isang pagkakatulog na di ko naman talaga nararanasan. nakakapagtakang di ko man lang naramdaman ang mga kamay ng magnanakaw na gumagapang sa'king katawan nung madaling araw na iyon. tang'na niya kinuha ka niya sa'kin.
tang'na niya tanod pala siya sa baranggay kaya di siya mahuli ng mga tao dun.
hayop siya.
wala poa akong magawa. sa ngayon.
antayin niya lang ako.
maghintay siya.
maaring nakuha niya yung telepono ko, pero hindi ang tapang at pagkatao ko.
pasalamat siya pinipigilan ako ng mga kapamilya ko na isulong yung "simpleng" kaso daw ng pagnanakaw. buti nga daw di kami sinaktan. pero kahit na. nakaka-asiwa yung malaman mong yung nagnakaw sa'yo ay kilala at kakuntsaba ng mga opisyal ng baranggay at pulis kaya;t di nila mapahuli-huli.
iba na talaga 'tong panahong to.
maghintay siya.
1 comment:
ibalato mo na lang siya ke LORD.
TIYAK 'di siya makakaligtas du'n.
hayaan mo madodoble rin ang nawalang P14,000 mo. cheer up!
Post a Comment